About Me

My photo
"hmm... What can I say about my self... You can call me Philippines Prince,. Haha... I really love swimming & amp... chatting. :D I made this site for me to be able to express my feelings to other and of course to share all the thought that I have in my mind, I love funny person, I love taking pictures of myself, I'm not snob people who's sending me comments and messages. hmmm... I entertain them. hahaha... :)) I jump and run around like crazy,. if I'm excited about something :P .. I'm a very kind person but always importunate and full of energy :P .. I'm one of those people that always with good intentions but don't know how to express themselves :S ..specially when it come's to my crush I'm a very shy person & loyal of course, even if it comes to something that might kill me, when it comes to my friends ill do anything no matter what it costs & amp; uhm... about my personal life. Ask me about it. LOL ;)

Thursday, April 12, 2012

Poor Prince (Nathaniel) Chapter 10



Pasalamat nalang ako na kahit unit-unti ng tinutunaw ng takot ang kakapiranggot kong utak nagawa parin nitong makapag isip ng posibleng maidadahilan.

“Oohhhf course I must know everything,. Coooos I’m a scholar remember? It is required for a scholar like me to know what kind of world meron ang mayayaman na katulad nyo!...”

Pautal-utal kong sagot na tila ba hindi na ako huminga masabi lang ang aking tugon kasunod ng fake na ngiti at hindi direktang pag tingin dito.

“Sorry for doubting you!,. I just can’t help my self wanting to know more about you Nathan… I’m really sorry…”

Paghingi ng paumanhin nito na halatang halata ang sensiridad na nagdulot naman sa akin ng labis na pagka konsensya.

“I know this is a bit sounds crazy, it just feels like I met you before…”

Patuloy pa nito.

“What are you trying to imply?...”

Pagtatakang balik ko na tanong.

“You really so familiar to me… You look one of my classmate way back when I was studying in Otago University sa New Zealand but I know its impossible…”

Nagulat ako pagkasabi nito na nag aral sya sa university nayun dahil I’m starting to have a life in New Zealand after kong layasan sila mama nung nag bakasyon kame sa father side ko sa Spain, a few weeks later after kong makapag enroll sa Otago University I got a call from my mom na I need to go home sa pilipinas dahil may sakit si dad and he keep asking my mom na pauwiin ako kaya wala ding nagawa ang pagmamatigas ko dahil napilitan din akong umuwi alang-alang sa aking ama ngunit pag uwi ko nagulat ako dahil hindi naman pala totoong may sakit si dad, dinahilan lang nila yun para mapilitan akong umuwi ng pilipinas at ilang linggo ko ding dinamdam ang nangyare.

Ngunit hindi ito ang labis na gumugulo sa aking isipan, ang labis na nagpapagulo sa akin ay ang katotohanang posible ngang nag kita na kame ni Earnest noon, hindi ko lang siya gaanong maalala dahil hindi naman ako nag tagal sa university nayon, isa lang ang naaalala kong tao na nameet ko sa New Zealand the lonely guy that I met sa Beach Haven nung unang dating ko sa Dunedin but unluckily I can’t remember his face and I didn’t even manage to know his name.

Nasa ganito akong kalalim na pag-iisip nang marinig ko nalamang ang boses ni Earnest na nagtatanong na nag basag sa aking mahaba-habang katahimikan.

“Is there something wrong Nathan?... I’m so sorry if I said something na hindi mo nagustuhan”

“Wala yun… Ano ka bah naiintindihan naman kita eh!... Tara na baka malate na tayo sa next subject natin…”

Ang simpling tugon ko nalamang dito upang hindi narin humaba pa ang usapan kahit nananatili padin ang takot na aking nararamdaman, takot na ano mang sandali maaaring malaman ni Earnest ang tunay kong katauhan lalo na’t hindi malabong mangyari yun pag nagpatuloy pa ang kanyang pagdududa.



Natapos na ang klase namin sa buong maghapon ng hindi manlang din ako nakatanggap ng pag pansin kay Aaron hanggang mag bell hudyat ng oras na para umuwi.

“Nathan gusto mo sabay na tayo umuwi?...”

Ang narinig kong paanyaya mula kay Earnest pagtayo ko palang ng upuan para tunguhin si Aaron na sinundan pa nito ng paglapat ng palad nya sa aking balikat mula sa likuran na nagawa sa akin para mapahinto.

“As much as I love too Earnest pero may dadaanan pa kasi ako eh…”

Pagdadahilan ko nalang after kong maalala ang sinabi ni Aaron na “Simula ngayon ha sakin kana sasabay” dagdagan pa ng pag iwas upang hindi na maulit ang insidenteng pagtatanong nito tungkol sa aking katauhan.

“Are you sure?, . Pwede kitang ihatid sa pupuntahan mo if you want, besides nariyan naman si manong, yung driver ko para mag drive satin…”

Patuloy parin nito na pang aalok.

“Pasensya na talaga Earnest ha pero wag na talaga, masyado na rin kasing nakakahiya sayo”

Ang tugon ko nalang na sinundan ng pagtalikod at nag lakad papalabas ng room upang habulin ang naunang lumabas na si Aaron.

Alam kong naiwang upset si Earnest na nag dulot sa akin ng pagkaawa sa nabanggit na lalake.



Agad akong nag tungo sa parking lot ng school pagkatapos kong makuha ang mga lunch box na iniwan ko sa locker ko pero hindi ko na matagpuan ang motor ni Aaron sa parking lot.

“Pag tinamaan ka nga naman ng malas oh!... Ang lakas ng luob na magsabe na sa kanya na ako sasabay pero eto ako ngayon iniwanan ng loko…”

Pagmamaktol ko sa sarili kasabay ng pag sipa sa latang nakita ko sa aking harapan dala ng aking pagkaasar, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito, dahil ba sa pag aasam kong isasabay talaga ako ni Aaron sa pag uwi o dahil sa pagtanggi ko sa alok ni Earnest.

“Ano tapos naba kayo mag usap ng Prince Charming mo?...”

Ang narinig kong tinig mula sa likod na walang dudang boses ni Aaron. Hindi nga ako nagkamali sya nga ang nag mamayari ng tinig pagka harap ko dito, kababakasan padin ng pagka bugnot dahil sa pagsasalubong ng mga kilay nito.

“Saan kaba pumunta kala ko naman iniwan mo na ako?...”

Ang tanong ko nalamang dito at sinundan ng paglapit sa kanya, hindi ko mawari ang aking nararamdaman dahil bigla akong nakaramdam ng saya pagka kita sa kanya at hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kadahilanang kahit hindi maganda ang mood nya hindi parin nawawala ang kagwapuhan nito ( “OMG! Humahanga na nga talaga ako sa kumag nato…” )

“Oh… Bat naka tanga ka pa dyan halika na andun sa kabila nakaparada yung motor ko, nilipat ko kanina dahil pinaalis ako nung guard, may kotse daw na naka pwesto dun sa pinag paradahan ko kanina ng motor…”

Ang sinabe nalamang nito kasabay ng paglakad upang tunguhin ang sasakyang nabanggit, wala narin naman na akong nagawa kundi ang sundan ito at dikitan ito sa gilid at bahagyang kumakapit sa braso na tila ba magkasintahan.

“Ano ba yang ginagawa mo… Umayos ka nga para kang tanga mamaya isipin ng mga makakakita satin kasintahan kita eh…”

Ang pananaway nito sa ginagawa ko kasabay ng pag alis ng nakakapit kong kamay sa braso nito, dala narin nang ugali kong mahilig mang asar ipinag patuloy ko padin ang pag kapit sa braso nya na tila ba walang naririnig at sinusundan pa ng pag hagikgik sa kadahilanang alam ko na naaasar na sya dahil lalong nag salubong ang may bahagyang kakapalan nyang kilay na lalo namang kinatuwa ko.

“Eto naman minsan na nga lang mag lambing eh…”

Ang sinabe ko dito na pinalandi ang boses at patuloy padin sa pagkunyapit sa mga braso nito habang naglalakad na sinabayan pa ng pag hilig ng bahagya ng aking ulo sa balikat nya na tila ba isang babae na naglalambing sa kanyang boyfriend. Hindi naman nakatakas sa aking paningin ang pamumula ng kanyang mga pisngi dala narin siguro ng hiyang nararamdaman dahil sa aking ginagawa.

“Ano kaba umayos ka nga Nathan napapahiya na ako pinag titinginan na tayo oh!...”

Ang pananaway nito na bahagya akong itinulak at nag bigay ng distansya sa aming dalawa at duon ko nalang din napansin na maraming mata narin nga ang nakatingin sa amin pero lingid sa akin na may isang nakatingin sa amin mula sa likuran na labis na nasasaktan. Pero imbes na mahiya lalo ko pa syang inasar.

“Ano kaba naman honey minsan na nga lang ako mag lambing sayo tapos ganyan kapa…”

Ang balik na pangaasar ko dito na lalo pang nag pamula ng kanyang pisngi at halos hindi na makatingin sa akin ng diretso, wala siyang nagawa kundi ang sumampa nalang sa kanyang mutor at sinimulang paganahin ang makina nito.

“Pag hindi ka pa tumigil dyan iiwanan na talaga kita…”

Ang sabi nito na nasa himig na napipikon na.

“Eto naman hindi mabiro…”

Ang tugon ko nalang at sumampa narin sa likuran ng mutor, hindi ko mapigilang hindi mapangising aso dahil sa tuwa na siya ang napikon sa mga sandaling ito dahil kalimitan ako ang naaasar sa mga pinag gagagawa nito sa akin na pangaasar.



Kasalukuyan kong ninanamnam ang mga sandaling nakayapos ako sa likuran ni Aaron habang naandar ang mutor nang mag vibrate ang cell phone ko sa bulsa hudyat na may pumasok na message, maingat kong kinuha ang cell phone ko sa aking bulsa at saka tiningnan kung sino ang nag text.

Cómo está mi hijo?...”

Eto ang bumungad sa akin nung nabuksan ko na ang unread message sa aking cell phone How are you my son?...” na kahit hindi naka register ang number sa aking cell phone batid kong galing ito sa aking ina dahil kabisado ko din ang number nito pati narin sa aking mga kapatid at sa aking papa, napag bilinan ko din kasi si mama na imbes na tumawag nalang itext nalang ako kung sakaling may kailangang sabihin sa kadahilanan na din na maingatan ang aking sikreto na agad namang sinang ayunan ni mama even though na hindi siya sanay sa pagtitext cos she preferred to call. Hindi ko naman magawang makapag reply dahil nagkataong wala akong load, hindi naman kasi naka line ang number na gamit ko hindi tulad ng cell phone na gamit ko sa Davao.

I’m here at Duset with your kuya Nerie… Drop by here if you have time, we really want see you Nathaniel…”

Ang kasunod pa na text na nareceive ko galing kay mama. Kailangan Kong mag punta duon kahit na ayoko dahil andun si kuya Nerie, batid ko kasing sermon lang ang aabutin ko dito dahil ilang buwan na ang nilagi ko sa Cebu pero hindi ko manlang nagawang mag paramdam dito, wala naman kasing mangyayare din kong patuloy ko siyang tatakasan besides andun naman si mama para iconsole ako kung sakaling sermunan ako nito.



Pagkahintong-pagkahinto palang ng mutor sa tapat ng tinutuluyan namin ni Aaron agad-agad akong bumaba at nag paalam sa kanya.

“Aaron bumili ka nalang muna ng lutong ulam para sa dinner mo dahil may pupuntahan ako…”

Ang agad Kong sabe pagka pasok palang ng bahay.

“Ano at saan kan naman pupunta ha?...”

Ang tanong nito na nasa tono ng pagtataka na hindi ko na gaanong inintindi dahil dumiretso na ako sa kwarto para makapag bihis. Hindi ko namalayan na nasa pinto na pala ng silid si Aaron at taimtim na pinapanuod ako habang isinusuot palang ang pang itaas.

“Mukhang makikipag date ka ah…”

Ang sabi nito na nag gawa sakin upang mapaharap na di alintana na wala pa pala akong pantalon.

“I don’t know if I can call it a date but I’m going to meet an important person…”

Ang simpleng tugon ko nalang at kasunod na isinuot ang pantalon.

“Gusto mo sumabay kana sakin?... May lakad din kasi ako…”

Pang aalok nito na wala sa aking hinagap.

“Wag na baka maabala kapa…”

Balik ko dito at bahagyang tinanaw ang sarili sa wall mirror na nasa gilid ng side table at nang makuntento na sa aking nakikita saka ako lumabas ng kwarto at nilagpasan lamang si Aaron.

“Makikipag date ka sa Prince Charming mo ano?...”

Ang tanong nito na sinabayan na ng pagsasalubong ng kilay.


“Wag ka ngang praning… Hindi noh… She’s  just an old friend of mine from Davao…”

“Andito daw kasi siya sa Cebu ngayon kaya I’m grabbing the chance to meet her…”

“Masyado ka namang siloso…”

Ang tuloy-tuloy Kong sagot na hinaluan na ng pagsisinungaling at pangaasar na may ngising aso, hindi naman nakaligtas sa aking paningin ang pamumula ng pisngi nito ng sulyapan ko siya.

“Selos ka dyan… Nag aalala lang ako lalo nat hindi mo pa gaanong kabisado itong Cebu…”

“Tatanga-tanga ka pa naman kung minsan…”

Ang balik nito na hindi ko alam kung ikaaasar ko ba o ikatutuwa.

“Aba at kaylan pa nag alala sakin ang isang Aaron Salazar?...”

Ang mabilis na tugon ko naman na sinundan na ng pagtaas ng kilay.

“Umalis kana nga bago mag bago ang isip ko at baka hindi pa kita paalisin dyan…”

Ang dagliang pagtataboy nito na kakakitaan na ng halos pamumula ng pisngi at paiwas na tingin sa akin. Agad ko namang sinangayunan dahil baka magbago pa nga ang isip nito at ipagawa sakin na linisin ang buong bahay bago ako umalis at maaaring hindi ko na magawang mameet si mama pag nagkataon.



Ganap na madilim na ng makarating ako sa Duset, agad Kong tinumbok ang 26th floor pagkapasok ko palang ng gusali upang tunguhin ang Fiesta San Miguel dahil naitext naman na ni mama ang ditalye kung nasaang room sila ni kuya Nerie. Bumungad naman sa akin muli ang receptionist na nag entertain sa amin ni kuya Art nuong pumunta kame dito. (“Kamusta na kaya si kuya Art?...”) ang biglaang tanong na sumagi sa isip ko at hindi ko narin namalayan na may sinasabe na pala ang receptionist na nasa counter.

Excuse me boy but minor is not allowed here…”

Ang sabi nito na tila nanlilibak at sinipat ako mula ulo hanggang paa na sinabayan pa ng pagtaas ng kilay na tila ba naghahamon ng away.

“Oohhh… Sorry I’m already in legal age to be in such place like this miss… If you wish I can show you my Identification Card for you to confirm how old I’am…”

Ang magalang ko nalang na balik kahit medyo naiirita na ako sa naging pakikitungo nito sa akin.

“Even if you are… Do you think you’re capable enough to afford what we offer here?...”

Ang mas nakakairitang balik nito na nag gawa sa akin upang makaramdam ng tila panunuyo ng dugo sa buong katawan na nag bigay daan din upang mapansin ako ng ibang tao na naruon at mamuo ang mahinang kumusyon na tila ba nilalait ako, ngunit pinanatili ko pading maging mahinahon upang hindi na lumaki ang issue. Buti nalang at nakapag load ako bago dumiretso sa Duset, tinawagan ko kaagad si mama at pinakiusapang tunguhin ako agad sa reception area, ilang menuto lang at dumating nga ang walang pagbabagong pabulosa kong ina at agad akong lumapit dito para yakapin dala narin siguro ng prostration sa nangyare at labis na pangungulila sa kanya.

“Oh hijo bat hindi ka pumasok sa luob?... Sinabe ko naman na sayo kung nasaang room kame ng kuya Nerie mo…”

Ang tanong ng aking ina na nakaakap nadin sa akin at bahagyang hinahaplos ang aking pisngi.

There’s something wrong happen between me and our receptionist mom but lets talk about that inside…”

Ang pagyaya ko sa aking ina at naiwan ang mga ilang matang nakatuon sa amin na may halong pagtataka lalong-lalo na ang receptionist at kasunod na tinungo namen ang office ni kuya Nerie, pag pasok ko palang ng silid nakita ko na si kuya Nerie na naka upo sa isang Avery Boardman couch na napapagitnaan ng dalawa pang couch habang sumisimsim ng kopita ng 62 Year Old Dalmore na naka patong sa crystal glass center table at kapansin-pansin din ang pagkakaruon ng white grand piano sa office ni kuya, halos hindi mo nga ito maiisip na office dahil sa laki nito at pagkakaruon ng isang kwarto na ginagamit ni kuya pag hindi na nagagawang umuwi ng condo nya dahil sa dame ng inaasikaso nito,meron ding 8 feet tall na aquarium kung saan nagsisilbing partition sa pagitan ng working area nito at ng kinauupuan nito ngayon.

“Lo que le pasó a tu sentido de la moda mi querido hermanito?...”

Ang tinig na narinig ko mula dito pagkakita sa akin.




Itutuloy…

7 comments:

  1. I'm so sorry guys kung ngayon lang ulit ako nakapag update. alam kong nainip kayo ng husto kya humihingi ako ng pasensya, naging busy lang din kc talaga sa school, hayaan nyo I'll do my best to make it up to all of you guys. ;(

    ReplyDelete
  2. hahaha.. di napansin ng mom nya ang kanyang suot.. pero ang kuya nya napansin agad (kaya pala minata xa ng receptionst knina)...

    Nice Story.. :D

    Thnx sa update.. :D

    ReplyDelete
  3. buti may update na... pero bakit po ganun?
    parang hindi ung author ung nagsulat nito... dami kc errors...
    ska d po ba nagtatago c nathan sa pimilya niya?

    anyways... continue po sa pag-update.....

    ReplyDelete
  4. mukhang sobrang bz pa din c PRINCE, sana mauz nya na lahat dpat para mka pag update na ule sya. he he he

    ReplyDelete
  5. huh nasan na po ang chapter 11?

    ReplyDelete