About Me

My photo
"hmm... What can I say about my self... You can call me Philippines Prince,. Haha... I really love swimming & amp... chatting. :D I made this site for me to be able to express my feelings to other and of course to share all the thought that I have in my mind, I love funny person, I love taking pictures of myself, I'm not snob people who's sending me comments and messages. hmmm... I entertain them. hahaha... :)) I jump and run around like crazy,. if I'm excited about something :P .. I'm a very kind person but always importunate and full of energy :P .. I'm one of those people that always with good intentions but don't know how to express themselves :S ..specially when it come's to my crush I'm a very shy person & loyal of course, even if it comes to something that might kill me, when it comes to my friends ill do anything no matter what it costs & amp; uhm... about my personal life. Ask me about it. LOL ;)

Monday, December 12, 2011

Poor Prince (Nathaniel) Chapter 1

"Hello...Nathan speaking..."

Sagot ko nang marinig kong nag ring ang mumurahing cellphone ko na bagong bili kamakaylan lang.

"Salve filio ... Quid agis?"

Sagot naman ng isang may edad na babae sa kabilang linya na agad ko namang nabusesan ang aking ina na ang ibig sabihin naman niya ay "hello son... how are you?"

"I'm great ma... how's dad?"

Balik ko naman na sagot.

"So far naka recover na sya ng husto"

Sagot naman ni mama ng walang pag aalinlangan.

"I'm so sorry ma for what happen... I know its all my fault"

"No son... please don't blame your self besides he already accepted the decision you made"

Pang aalo naman ni mama sa akin na alam kong batid nya ang labis na pag hingi ko ng tawad.

"Gratias da MA meam respiciens papa"

Balik ko naman na tugon sa matanda "Thank you ma and please give my regards to dad" bago ko pinutol ang aming pag uusap ni mama at bumalik ako sa pagkaka higa.

Halos mag dadalawang buwan na pala nang umalis ako ng bahay at mag disisyong lumuwas dito sa Cebu from Davao kung saan talaga kami naka tira gusto ko naman kasing maranasan ang magkaron ng normal na buhay tulad kung anong buhay meron ang nakararami. Maayos at masaya naman ang pamumuhay nang pamilya namin masagana dahil mayaman naman ang angkan na pinanggalingan ng pareho kong magulang at dahil na rin sa pagiging business minded ni dad naging mas madali na palaguin ang mga ari-arian ng pamilya this last 5 years nakapag expand sila dad with help of my siblings ng mga business sa bansa even over seas at nakapag open ng tatlong resto bar na minamanage ng tatlo kong nakakatandang kuya na sina kuya Nick na panganay ang naka asign sa Manila branch, si kuya Nelson na sumunod sa panganay ang naka asign sa Dagupan at ang pinaka close ko na kuya na si kuya Nerie na naka asign dito sa Cebu pero hindi ko pa siya kinocontact simula nang dumating ako ng cebu dahil alam kong kukulitin lang ako nun at pababalikin na umuwi na sa Davao at dahil sa pag alis ko sa bahay inatake si dad dahil sa hindi pag tanggap sa disisyon ko pero mas napanatag na ako ngayon after kong marinig ang sinabe ni mama. Si kuya Nickson naman na aking sinundan sa magkakapatid hindi ko alam kung anong pinag kakaabalahan dahil hindi naman kami ganon ka close.

I took a place na simple lang malayong malayo sa itsura ng bahay namin sa Davao bongalo lang na cavin style na halos gawa sa pinag tagpi-tagping tabla nung una ko ngang makita ito halos hindi ko maisip na isa itong bahay at may mga parte pa akong kinailangang ipaayos but I dont have any choice I really must save money even though na regular parin ang pag dating ng allowance ko from mom. pero ginawa ko padin etong komportable para sa akin namili ako ng mga kakailanganin kong gamit tulad ng mga gamit sa kusina kahit hindi naman ako marunong mag luto, wala kasi akong interes sa pag luluto even most of my family business are in Food Industry. I bought some clothes na mumurahin lang at isang mumurahin din na cellphone na pangkaraniwang makikita sa ordinaryong tao dahil iniwan ko ang cellphone at laptop ko sa Davao at bumili pa ako ng iba pang gamit at pag dating naman sa higaan hindi ko na tinipid ang sarili ko dahil hindi talaga ako nakaka tulog pag hindi maganda ang higaan at dalawang bintelador na pinagsasabay kong paandarin dahil wala namang aircon. Napili ko rin ang lugar nato dahil malapit sa Prince Academy na pinag aplayan ko ng scholarship, halos isang sakay lang ng jeep mula sa bahay na tinutuluyan ko

Nasa ganon akong pag mumuni-muni nang biglang mag ingay ang speaker na naka connect pa sa barangay hall na naka install naman sa tindahang kaharap ng tinutuluyan ko.

"Panawagan sa lahat ng interesadong mag pacheck up ng ipen may free Dental Check up po tayo na nasa covered court"

"Inuulit ko po sa lahat ng interesadong mag pacheck up ng ipen may free Dental Check up po tayo na nasa covered court"

Panawagan ng isang boses ng matandang lalake na sa palagay ko ay ang Barangay Chairman at inulit pa ng isang beses ang panawagan.

"Wattah fuck... ganto ba talaga kaingay dito..."

Ang bigla kong naibulalas dahil sa pagka gulat at pagka irita ngunit napawi naman agad ang nararamdaman.

Dala nang pagiging curious dahil ngayon ko lang nalaman na may mga ganitong pinapatupad pala ang gobyerno sa mga ganitong klaseng lugar hindi ako nag atubili na mag disisyong pumunta sa covered court na nabanggit na nasa kabilang kanto lang naman mula sa tinutuluyan ko.

Dali-dali akong nag bihis ng walking short na white at may stripes na brown at tinernuhan ng green shirt hindi ko rin nakaligtaan na isuot ang eyeglasses na my black metal frame bilang props at isang pares ng gomang tsinelas na mumurahin din. Bahagya ko pang ginalaw-galaw ang mga daliri ng aking paa nang mapag tanto na nakaka ilang ang pakiramdam dahil may kalakihan ng bahagya bago tuluyang lumabas ng bahay.

Pagdating ko sa nabanggit na covered court ay marami nang naka pilang tao mapa bata o matanda ay nanduon, may mga manaka-nakang ingay ng mga nag uusap na mga tao at sa malamang karamihan ay nag titsismisan. Habang naka pila naman kami napansin ko na may pinamimigay na papel na hawak na kaylangan atang fillapan para sa pagpapabunot ang isang lalake na nasa tantya ko ay nasa around 20 to 25 year old may katangkaran ito na naka suot ng black skinny jeans na tinernuhan ng maypagka fitted na dark red Polo shirt na may horizontal black stripe line sa tagiliran ng sleeves.

Nang ako na ang aabutan ng form bigla akong natigilan dahil sa pagka mangha sa itsura ng lalakeng namimigay ng form. Hindi ko naman kasi napansin ito kanina dahil bahagyang malayo at may mga mas matatangkad sa akin na naka pila sa aking harapan, sa mga ganitong klaseng pagkakataon ko sinisisi ang sarili dahil sa pagkakaroon ng 5"2' na hight. Ang ganda ng mukha nito sa malapitan na aakalain mo isang anghel na nagkatawang tao. Hindi ko namalayan na halos natulala na ako.

"Wow... ang gwapo naman nito"

Ang tanging naibulalas ng aking isip sa sarili sa labis na pagka mangha sa kagwapuhan ng lalake, halos hinagod ng aking paningin ang kabuan ng mukha nito mula sa bahagyang makapal na kilay patungo sa matatangos na ilong at mapupungay na mata nito na matingkad ang pagka brown, diko alam kung may halo ang lahi nito o naka contacs lang na may mahahabang pilikmata at lalong nagpadagdag pa ng kagwapuhan nito ang makikinis at pantay na murenong kulay nito.

"Waaaaa.. inay ko po nababakla naba ako?..."

Biglang sigaw ko sa aking sarili ngunit hindi ko talaga maiwasan na hindi sya pagmasdan.

"Oy... totoy mag tititigan nalang ba tayo?..."

Biglang sabi nito na may sarkastikong ngite na halos tila nag buhos naman sakin ng malamig na tubig upang bumalik ako sa katinuan at dahil dun hindi ko na nagawang pag masdan ang katawan nito.

Biglang kuha ko naman sa form na inaabot nito at biglang yumuko dahil sa labis na pagka pahiya at takot na mapansin na pinamulahan ako ng mukha.

"Ang presko naman ng ungas na yun... nakaka asssaaaar!!!!!..."

Sigaw at pag mamaktol ko sa aking sarili.

Naubos na ang mga taong nakapila sa aking harapan at tinutumbok ko na ang dental chair na naka pwesto sa pinaka gilid sa bandang likod na may naka assign na babaeng dentista. Nang maibigay ko na ang form sa dentista at saktong paupo na ako sa dental chair nang biglang may tumawag sa dentistang naka assign sakin, mga limang minuto ata ang lumipas nang may lumapit na sakin na dentista at napansin ko na iba na ito dahil lalake na na naka uniporme ang papalapit sa akin na may suot na mask. hindi ko naman pinansin na dahil naka hilig na ang aking ulo sa head rest ng dental chair.

"Open your mouth"

Ang narinig kong sabi nang dentista at daglian naman akong sumunod na parang uto-uto.

hindi ko maiwasan na maamoy ang pabango na gamit ng lalakeng dentista dahil sobrang liet lang ng pagitan ng aming katawan habang abala sya sa pag iinspeksyon. Ang sarap amuyin hindi matapang pero hindi din naman soft ang taglay na scent ang nakaka asar nga lang hindi ko makita maige ang mukha nito dahil sa mask na naka takip sa ilong at bibig nito.

"Ohh... my... ano bang ginagamit mo sa ipin mo?"

Ang sabi nito na may tono ng pagka gulat pagkatapos inspeksyonin ang luob ng aking bibig na nagpabalikwas sa pagkaka hilig ng aking ulo sa head rest ng dental chair.

"Bakit manong may sira naba ang ipin ko?"

Ang bigla kong tanong na may halong pag aalala at hindi na alintana ang pag tawag sa kanya ng manong dala ng pagka bigla dahil alam kong wala naman akong sira sa ipen dahil sa regular dental check up na ginagawa ng personal dentist ng pamilya namin.

"Nothing is wrong... I'm just amaze cos ikaw lang ata ang maganda at buo ang ipen na nacheck up ko so far.."

"Ang OA nyo naman manong... kala ko kung ano na eh..."

Ang tanging naisagot ko at balik sa pag hilig ng aking ulo sa head rest ng dental chair.

"How come na pagiging OA ang pagbibigay ng good compliment and for your info totoy hindi pa ako manong"

Ang biglang sagot nito na may bahagyang pagtaas ng tono at nagpagawa sakin para iangat ang ulo at labis na nagpagulat sakin sa pagkakitang wala na ang mask na suot niya at siya din yung lalakeng nagpahiya sakin habang naka pila.

"OA ka naman talaga eh"

"Ako pa ang OA eh ikaw nga jan halos tunawin mo na ako sa titig mo kanina eh"

Ang balik nito sakin na tila gumaganti sa kasungitan ko at sinabayan pa ng antipatikong ngise.

"Hoy manong pano hindi kita tititigan eh ang kapal ng kilay mo parang balahibo ng daga"

Pag sisinungaling ko upang madipensahan ang sarili dahil sa totoo lang talaga bagay na bagay sa mukha nya ang pagkakaroon ng bahagyang makapal na kilay dahil nag papadagdag pa lalo ito sa pagiging masculine nito.

Hindi naman nakatakas sakin ang pamumula ng mukha ng lalake dala siguro ng pagka pahiya at bigla ko din napansin ang mga matang naka masid sa amin habang naka ngisi at ang iba naman ay nag tataka kung anong nangyare kasama ang mga ibang dentista na marahil ay kasamahan ng lalakeng dentista na nag check up sakin.

Dala siguro ng pagka pahiya nag walk out nalang yung lalake pagkatapos akong checkapin. Hindi ko naman naiwasan na hindi makaramdam ng guilt dahil sa nangyare.

Ilang araw na ang lumipas at natapos na ang bakasyon. tinutumbok ko na ang way papunta ng Academy sakay ng isang jeep. Hindi ko naman naiwasan na mapa ngiwi dahil sa siksikan at sinabayan pa ng init ng panahon, hindi rin naman kasi ako sanay na mag commute kamalas-malasan pa nang may nakatabi akong matabang manong at ang lakas pa ng luob na ikapit ang kamay sa kapitan na naka kabit sa kisame ng bubungan ng jeep kahit nangangalingasaw na ang putok nito. wala akong nagawa kundi bumaba dahil hindi ko na talaga naiwasan pa ang baho ng amoy malapit narin naman ako sa Academy kaya pwede ko nang lakarin nalang, napansin ko din na may iilan na bumabang estudyante akmang lalakad na ako nang biglang malaglag ang cellphone ko dahil nakaligtaan kong isara ng maayos ang bulsa ng bag ko pagkatapos kong kumuha ng barya para sa pamasahe kanina

"Wattah fuck"

Ang bigla ko nalang naging reaksyon pagkatapos makitang nagkahiwa-hiwalay ang parte ng cellphone ko at daglian ko namang pinulot ngunit hindi ko mahagilap kung saan napunta ang kabiyak ng housing ng cellphone ko"

"Eto ba hinahanap mo?"

Ang tanong na narinig ko mula sa isang lalake habang abala ako sa paghahagilap ng nawawalang parte ng kaawa-awa kong cellphone.

"Oo yan nga..."

Ang automatic ko naman na sagot at biglang kuha sa kabiyak ng hausing na naka lahad sa kamay ng nag abot na lalake, hindi ko na nabigyan pansin kung sino ang nag abalang nag abot sakin dahil abala naman ako sa pagkakabit ulit ang housing ng 3310 kung cellphone upang maka alis na.

"Ganyan kaba talaga? hindi ka marunong magpasalamat"

Tono ulit ng lalakeng nag abot sakin ng housing ng cellphone ko na bakas ang pag taas ng boses at nagpa lingon sakin patalikod upang tukuyin kung sino ang nag salita.

Laking gulat ko nang mamukhaan ko kung kaninong boses galing iyon, ang antipatikong dentista na nag check up sakin.




Itutuloy…

No comments:

Post a Comment