About Me

My photo
"hmm... What can I say about my self... You can call me Philippines Prince,. Haha... I really love swimming & amp... chatting. :D I made this site for me to be able to express my feelings to other and of course to share all the thought that I have in my mind, I love funny person, I love taking pictures of myself, I'm not snob people who's sending me comments and messages. hmmm... I entertain them. hahaha... :)) I jump and run around like crazy,. if I'm excited about something :P .. I'm a very kind person but always importunate and full of energy :P .. I'm one of those people that always with good intentions but don't know how to express themselves :S ..specially when it come's to my crush I'm a very shy person & loyal of course, even if it comes to something that might kill me, when it comes to my friends ill do anything no matter what it costs & amp; uhm... about my personal life. Ask me about it. LOL ;)

Tuesday, December 13, 2011

Poor Prince (Nathaniel) Chapter 4


Pagka kita ko palang ng pangalan ng hotel at pagkarineg sa sinabeng bar ni kuya Art "kuya Art na tinatawag ko sa kanya dahil mas matanda naman sya sakin ng ilang taon at pumayag naman sya na tawagin ko sya ng ganon bukod sa pag papalitan namin ng impormasyon tungkol sa sarili habang nasa sasakyan nya kami kanina pero hindi ko binigay ang true identity ko hindi ko din sinabe ang buo kung pangalan basta ang alam nya lang e Nathan ang name ko bukod sa fake kong tirahan, fake na background ng aking magulang at lalong-lalo na ang fake kong istado sa buhay" nag hinala na kaagad ako na maaaring may koneksyon ito sa kuya ko na nagpagawa sa dugo ko na umakyat sa ulo upang maka ramdam ng labis-labis na kaba.

"If you dont mind me asking kuya Art ano ang surname ng friend mo na may ari ng pupuntahan nating resto bar?"

Ang atubili kong tanong pag tumbok namin sa pinto ng lobby habang naka kapit ako sa braso nito na tila ba ako ang babaeng ka date nya sa gabing ito. "waaaaa!!!... ang init ng braso nya..." hmmmm.... "mainit nga ba talaga oh ako lang ang nag iinit?..."

"Bat mo naman na tanong?... Do you know him?..."

Ang balik na tanong naman nito na tila ba nag tataka sa tanong ko.

"Ahhh..."

Nangangapa pa ng pwedeng maidahilan.

"Cos the name of the owner really sounds familliar..."

Ang sagot na nakapa ko sa mumunti kong utak na hindi ko sigurado kung naniwala sya sa palusot ko na sinundan ko pa ng pilit na ngiti para mas maging kapani-paniwala.

Akmang sasagot na sana sya ng bigla namang sumingit mag salita ang apat na babae na naka suot ng Thai costume na magkabilaang naka helera sa pinto pagka pasok namin ng lobby.

"Namaskāra sara... Svāgata thānī Dusit kō..."

Ang bati ng mga ito sa salitang Hindi na ang ibig sabihin ay "Good evening Sir... Welcome to Dusit Thani..." na sinundan ng mga tingin na naka focus lang sa kasama ko na si kuya Art at sinabayan pa ng ngiti na tila mga nagpapacute na sinuklian naman ng kumag nang matatamis na ngiti na nagawang magpa asar sakin na para bang nakaka ramdam ako ng selos na hindi ko maipaliwanag dahil kanina lang nasa akin lahat ng atensyon nya at namalayan ko nalang na binibigyan ko na ng matatalim na tingin ang mga babae na para bang kulang nalang e ipag sigawan ko sa kanila na "hoy... hanggang tingin nalang kayo dahil akin na sya..." at lalo ko pang siniksik ang sarili ko sa kanyang tagiliran at hinigpitan pa lalo ang pagkaka pulupot sa kanyang braso na hindi na alintana na baka mapansin ni kuya Art ang ginagawa kong iyon. "Fuck shit.... inaangkin ko na sya ngayon... may identity crisis na ngaba talaga ako???.... waaaaa!!!!..."

Sa kabilang banda naman hindi ko napansin ang pag ngiti ni kuya Art sa ginawa ko sa kanya at hinapit ang aking bewang gamit ang kanang brasong hawak-hawak ko kanina upang lalong dumikit sa kanyang tagiliran habang nag lalakad papuntang elevator.

Nasa ganto akong kalituhan sa mga pinag gagawa at nararamdaman ko ng maalala kong hindi nya pa pala nasasagot ang tinatanong ko habang nasa luob kame ng elevator upang tumbukin ang 26th floor ng hotel.

"Ahhh... kuya hindi mo pa nasasagot yung tanong ko about your friend..."

Ang walang alinlangan kong sabi dala ng pagka disperado na matukoy kung sino ang tinutukoy na kaybigan nito ng bigla namang bumukas ang elevator at mag patigil nanaman sa kanya upang hindi masagot ang aking tanong.

"Putsa... nawawalan na ako ng oras..."
dahil alam kong pag bukas palang ng elevator bubungad na samin ang Fiesta San Miguel dahil naka locate ito sa buong 26th floor napili ito ng kuya ko dahil visible dito ang imahe ng buong syodad dahil sa pagkakaruon ng glass wall nito at alam ko din ito dahil kasama ako nung nag blessing dito together with my family 5 years ago. Walang duda si kuya Nerie nga ang may ari nito dahil ganitong-ganito ang inaasahan kong itsura ng resto bar maliban sa iilang pagbabago dahil mas lalo itong gumanda.

Naglakad papasok si kuya Art sa autmatic glass door na may dalawang bouncer na naglalakihan ang katawan upang maka lapit sa counter kung saan may babaeng naka assign habang ako naman ay nag paiwan sa pinto dala ng kaba.

"I asked a reservation a while ago to your boss Mr. Nerie Anthony Morales..."

Ang bahagyang narinig kong sabi nito kasunod ng pag sabe ng buong pangalan ng kuya Nerie ko sa babae.

"And that is for?"

Ang tanong naman ng babae habang hindi maawat ang pag titig nito kay kuya Art.

"Mr. Salazar..."

Ang sabi naman nito sa babae na tila nag papa cute din at nilalabanan pa ng titigan ang babae na nag dulot naman sa akin ng sobrang pagka asar at mag disiyon na pumasok at lapitan na ito at hindi na alintana kung makita man ako ni kuya Nerie ano mang sandali.

"My boss waiting for you at VIP room 6 at West wing Mr.Salazar..."

Ang magalang naman na tugon ng babae ngunit nilandiang boses.

"Gusto nyo Sir ihatid ko kayo?..."

Ang sunod na pang aalok nito ng tulong na halata ang pagka maharot.

"No Thanks... I know our way..."

Ang wala sa isip kong singit sa usapan nila dahil ayoko nang makita na nakikipag harutan ang babae sa kuya Art ko. "wow...Kuya Art ko?!!..." sabay kapit ulit sa bisig nya "tuluyan ko na talaga syang inangkin na para talagang pag mamay ari ko na sya..." kahit unti-unti akong nilulunod ng kabang nararamdaman sa posibilidad na magkaka harap na kami ni kuya Nerie.

Sa kabilang banda hindi ko manlang alintana ang pagtataka at katanungang nag sisimulang mabuo sa isipan ni kuya Art.

"Have you been in this place before?.."

Ang biglaang tanong naman ni kuya Art sa tono ng labis na pag tataka na nag dulot sa akin ng mas ibayong kaba habang tinutumbok namin ang nasabing room kung saan si kuya Nerie nag aantay.

"Ahhh... eehhh.... hindi pa..."

Ang pautal-utal at pagsisinungaling kong sagot na sinundan nanaman ng nakagawiang fake na ngiti.

"I see... cos I have a feelings na kabisado mo ang lugar nato..."

Ang sagot nito na halatang hindi kombinsido sa binigay kong sagot sa kanya.

"Huh... pano naman mangyayare yun e mukhang mayayaman lang nakaka punta dito..."

Sabay bigay ng regular na fake smile.

"Look at me... Mukha ba akong mayaman?!!!..."

Ang nasabi ko nalang na sinabayan nang pag mwestra ng mga kamay para tingnan ang itsura ko.

"Oo..."

Walang pag aatubili na mabilis na pag sagot nito pagkatapos hagudin ng paningin ang buo kong itsura.

"kabog... kabog... kabog... kabog..." ang tangi kong narinig na tunog na naggagaling sa luob ng aking dibdib pagka rineg ng sinabe niya.

"Pero alam mo kung hindi mo sinabeng magsasaka lang mga magulang mo hindi talaga ako maniniwala na mahirap ka..."

Ang sunod na sabi nito na sinabayan nanaman ng pag bibigay ng magandang ngiti na nakaka tunaw at pag patong ng palad sa aking uluhan upang guluhin ng bahagya ang aking buhok at dahil sa ginawa nyang ito mabilis namang humupa ang kabang nararamdaman dahil sa takot na mabuko ako sa kasinungalingan ko "ganon ba talaga ako ka obvious para hindi kaagad sya maniwala sa mga kasinungalingan ko?!!..." nasa ganto kalalim akong pag iisip nang marinig kong mag salita ulit si kuya Art.

"Eto na yung room Nathan..."

"kabog... kabog... kabog... kabog..." eto nanaman ang pag salsal ng dibdib ko at tila mas dumoble pa ang tensyong nararamdaman pag ka rineg ko ng sinabe nya nang matapat na kami sa pinto ng room 6 at daglian nya ng binuksan ng maluwang ang pinto upang magawang matanaw ko ang isang imahe ng pamilyar na lalake na naka upo sa long dark red leather couch na naka talikod sa glass wall na nag sisilbing bintana upang makita ang imahe ng syodad sa room na yon.

Pero natitiyak kong hindi si kuya Nerie ang lalaking nag iintay sa amin sa luob.





Itutuloy...

No comments:

Post a Comment