About Me

My photo
"hmm... What can I say about my self... You can call me Philippines Prince,. Haha... I really love swimming & amp... chatting. :D I made this site for me to be able to express my feelings to other and of course to share all the thought that I have in my mind, I love funny person, I love taking pictures of myself, I'm not snob people who's sending me comments and messages. hmmm... I entertain them. hahaha... :)) I jump and run around like crazy,. if I'm excited about something :P .. I'm a very kind person but always importunate and full of energy :P .. I'm one of those people that always with good intentions but don't know how to express themselves :S ..specially when it come's to my crush I'm a very shy person & loyal of course, even if it comes to something that might kill me, when it comes to my friends ill do anything no matter what it costs & amp; uhm... about my personal life. Ask me about it. LOL ;)

Monday, December 12, 2011

Poor Prince (Nathaniel) Chapter 3

Gulat ang labis kong naramdaman pagkatapos marineg ang salitang iyon sa hindi makilalang boses dahil hindi ko akalain na sa dami ng taong pwedeng makakita sa nangyari sakin kanina e isa pa sa mga magiging kaklase ko. "nakkkoooo... pag nalintikan ka nga naman ng sandamakmak na kamalasan ohh" biglang hilamos ng kamay sa mukha dala ng sobrang kunsomisyon na nararamdaman saka ko naisip na kilalanin kung sino yung nag salita pero naka labas na ito ng room nung tumalikod ako para harapin sya sinubukan ko namang habulin pero hindi ko makilala kung sino sya sa mga istudyanteng nasa corridor dahil nagka taon na labasan din ng mga ibang estudyante sa ibang mga room hindi ko naman kasi talaga matandaan kung anong itsura nya dahil hindi ko sya gaanong tiningnan kanina habang sinesermunan kame ng nag pakilalang si Ms.Alcantara.

Na ukupa ng misteryosong boses na yun ang isipan ko buong araw dagdagan pa ng antipatikong dentista na naka halikan ko na hindi ko rin kilala dahil hindi ko manlang alam kung anong pangalan ng kumag nayon, halos hindi ako nakapag focus sa lecture ko sa lahat ng subject dahil iniisip ko na isa sa mga lalaking kasama ko sa room ang naka kita na nakikipag halikan ako sa kapwa lalake.

Pasado 7:00 na ng matapos ang last subject ko na Chemistry Laboratory, ang hirap din maka kuha ng jeep pauwi dahil siksikan hindi ko naman magawang makipag balyahan sa puro lalakeng student ng Prince Academy para makipag agawan ng jeep na masasakyan dahil karamihan sa kanila malalake at mukhang sanay na sa ganong iksena. Sa malamang mapipipe ako ng wala sa oras na parang pinag tapak-tapakang tae pag tinangka kong makipag sabayan "hay... kalokaaa!!!..." biglang kamot nalang sa ulo ang nagawa ko. "huh... kaloka diba salita ng bakla yun???...nakkkoooo ppooo!!!!!..."

Grabe ka stress dahil pasado 9:00 na ako naka uwi dahil sa hirap maka sakay halos mag isa nalang ata akong estudyanteng nag iintay sa sakayan ng dumating ang jeep dahil yung mga kasabayan kong nag aantay ay umangkas nalang sa likuran ng mga jeep na nag daan hindi ko naman magawang subukan ang mga ginawa nila dahil sa takot na baka malaglag ako hindi ko pa naman din kasi nasubukang gawin ang ganong klaseng mga eksena dahil hatid sundo ako ng driver namin sa school nung nag aaral pa ako sa Davao. Hindi ko narin naabutang bukas ang karinderyang naka pwesto sa labasan ng compound na nakagawian kong kainan simula nung tumira ako sa tinutuluyan ko dito sa Cebu "Mommy kooo.... sunduin nyo na ako dito!!!!!..." Nasa ganto akong pag mamaktol ng mapansin ko ang pasalubong palabas na itim na pick-up na sasakyang galing sa luob ng compound ng Barangay na tinutuluyan ko ng biglang huminto ito sa gilid ko at bumukas ang tinted na window nito.

"Oi... totoy..."

Ang bate ng pamilyar na boses ng lalakeng naka pwesto sa driver sit ng sasakyan

"Hey... This is me... The guy na hinalikan mo this morning"

Ang sunod-sunod na sabi nito at sinundan pa ng nakaka lokong ngiti na nagpa lutang naman sa pantay-pantay at mapuputing ipin nito habang naka dungaw sa bintana ng sasakyan. Aninag ang kagwapuhan ng mukha dahil sa liwanag na pumapasok sa luob ng sasakyan nito na nanggagaling sa mga lamp post sa kalye dagdagan pa ng liwanag sa luob ng sariling sasakyan. Halos muntikan nanaman akong matulala dahil sa sobrang pag hanga na bigla namang nasupil dahil sa pag rehistro ng mga salita nito sa nag sisimula nanamang matunaw kong utak.

"So???..."

Ang pilosopo kong sagot na bakas sa tinig ang pagka asar dahil sa pagkaka diin nito sa salitang "hinalikan" na para bang pinapamukha sakin na sinadya ko ang nakakahiyang nangyare kaninang umaga.

"Dont tell me hindi mo nagustuhan ang lips ko e halos naka pikit kapa nga kahit hindi na magka lapat yung labi natin..."

Ang balik naman nito na lalo pang ginawang mas nakaka asar ang tono at sinundan pa ng malakas na tawa.

"Would you please stop ruining my day!!!!!..."

Ang pasigaw ko na balik dahil sa sobrang pagka asar sa labis na ka preskuhan nito at hindi ko na napigilan na mapaluha dala ng sobrang galit na nararamdaman at pagka pahiya.

Akmang tatakbo na ako palayo ngunit huli na nang mapansin kong naka baba na ito sa sasakyan at maagap na hinarang ang kanyang malapad na katawan at sinundan nang mahigpit na yakap upang akoy mapigilan.

Ilang sigundo pa ay romehistro na ang init nang pakiramdam nang pagkakalapat ng aming katawan kahit na may suot kaming damit.at nanumbalik ang amoy nito na naamoy ko sakanya nung una naming pagkikita, its feels like there's a current flows throughtout my body and the scent of his masculine perfume tickling my sleeping desire. agad na ginagap ng kanyang kanang palad ang aking ulo upang maihilig sa maumbok at malapad nyang dibdib na lalong nag padagdag ng sensasyon na aking nararamdaman at mag pahina sa mga tuhod ko. Halos damang dama ko ang panginginig ng aking tuhod dulot ng kanyang pagkakayakap habang ang kanyang kaliwang kamay ay lalo pang ginagap ang aking bewang upang lalong mapadikit sa kanya at hindi naiwasan na maramdaman ang umbok sa kanyang pantalon. "fuck shit... heaven ang pakiramdam!!!..." nagdiriwang ang aking damdamin ng bigla syang mag salita.

"Sorry... I'm really really sorry..."

Ang pag hingi nito nang tawad na nag pagawa sakin upang mag angat ng tingin, rinig na rinig ko ang pagiging maamo ng boses nito at bakas sa mukha ang sensiridad sa pag hingi ng tawad. Nariyan nanaman ang mapang akit at maaamong mata na nasasayaran ng maninipis at bagsak na hibla ng kanyang buhok dinagdagan pa ng mapang anyayang maninipis at mapupulang labi.

Nag yuko nalang ako ng tingin upang maiwasan na mawala nanaman sa katinuan ang kakapiranggot kung utak.

"You are forgiven"

Ang balik ko nalang na sagot na nasa mababang tono.

"No please... wag mo ako patawarin hanggat hindi ako nakaka bawe" biglang kapit ng dalawang palad nya sa magkabilang pisngi ko at inaangat paharap sa kanya. "Why we dont just go out for dinner?... What do you think?..."

Sunod sunod na pang aamo nito at pag aaya para maka bawe.

Tatangge na sana ako nang "Gggrrrrrkkkkkkk!!!..." mag ingay ang aking tyan na hindi rin maiwasan na marinig niya at sinundan ng pag bunghalit ng tawa.

"So... Lets go..."

"OK..."

Ang naisagot ko nalang.

Marami kaming napag usapan habang nasa sasakyan. He is 24 year old. "hmmmm... hindi nga nagkamale yung hinala ko na nasa pagitan lang ng 20 and 25 ang age nya..." His both parets are doctor also most of his relatives, may nakababatang kapatid sya na boy sa labas na 18 year old "wow ka age ko pa..." pero halata namang close sila ng kapatid nya dahil sa ekspresyon ng mukha nito habang nag kekwento pero hindi nya nabanggit kung anong pangalan at hindi ko narin pinagkaabalahang tanungin dahil baka isipin nya na osisero ako at sa wakas nasabi nya narin ang pangalan nya Art Salazar short for Jhon Arthimis Salazar "ang taray nang lolo mo diba!!!... may pa art art pah... ang arte ha!!!..." Hindi ko namalayan na naka rating na pala kami sa lugar na sinabe nya kung saan kame kakaen dahil may friend daw sya dun na may ari ng resto bar. Hawak nya ang kanyang cellphone na tila may tinatawagan habang binubuksan ang pinto sa side ko para maka labas ako

DUSET THAI CEBU

kinabahan na kaagad ako pagka basa palang ng pangalan ng hotel na papasukan namin.

"Hello pre... anong floor yang resto bar mo?..."

Tanong nito sa kausap sa kabilang linya at bigla nang pinutol ang tawag nang malaman ang sagot sa tinatanong.

"Friend ko yun si Nerie... sya yung may ari ng Fiesta San Miguel... kinontact ko lang"

Biglang pag akyat ng lahat ng dugo ko sa aking ulo pagka rineg ng sinabe ni kuya Art.




Itutuloy...

No comments:

Post a Comment