About Me

My photo
"hmm... What can I say about my self... You can call me Philippines Prince,. Haha... I really love swimming & amp... chatting. :D I made this site for me to be able to express my feelings to other and of course to share all the thought that I have in my mind, I love funny person, I love taking pictures of myself, I'm not snob people who's sending me comments and messages. hmmm... I entertain them. hahaha... :)) I jump and run around like crazy,. if I'm excited about something :P .. I'm a very kind person but always importunate and full of energy :P .. I'm one of those people that always with good intentions but don't know how to express themselves :S ..specially when it come's to my crush I'm a very shy person & loyal of course, even if it comes to something that might kill me, when it comes to my friends ill do anything no matter what it costs & amp; uhm... about my personal life. Ask me about it. LOL ;)

Tuesday, December 13, 2011

Poor Prince (Nathaniel) Chapter 7


Damang dama ko ang init nang kanyang hininga habang unti-unting tinatawid ang maliit na agwat na namamagitan, ang init nang hanging binubuga nito ay nagdudulot sakin nang kakaibang pakiramdam kiliting gumagapang sa buong katawan at sensasyon na nag sisimulang mabuhay.

"Ooohhh... please kiss meeee!!!..."

Ang paulit-ulit na sinisigaw na nang aking isip sa sarili at ang buong sistema ko ay tila nag sisimula nanamang magkaroon nang sariling isip, gusto nang pumikit nang aking mga mata upang lalong malasap ang igagawad na halik nito kung saka-sakali and my arms want to grab him cos of so much yearning for his kiss.

“No daught bakla ka nga…”

Basag nito sa pagpapantasya ko kasabay nang pag alis nang mga kamay nito sa pagkakalapat sa dingding upang mapakawalan ako sa pagkaka kulong ng kanyang mga braso na nag pagawa sa papikit na mata ko upang mapadilat nang husto at kitang-kita ko ang naka titig na mga mata at mapang asar na ngiti sakin at nag dulot din sakin upang maka ramdam nang sobra-sobrang panlalamig at pagka pahiya at sinundan nya pa nang malakas na pag halakhak.

“You bastard!!!... Sinusubukan mo lang pala ako!!!...”

Sigaw ko sa aking sarili habang iniinda parin ang pagka pahiya

“Makakaganti din akong sira ulo ka…”

Ang patuloy ko parin na pag usal sa sarili dala nang galit na nararamdaman dahil sa pagka pahiya nito sakin.

“You will sleep sa floor at ako ang gagamit nang kama… Ayokong may katabing bakla baka kung ano pang gawin mo sakin habang natutulog…”

Pag uutos nito na nasa tono parin nang pang aasar at ang hindi mapalis-palis na ngiting aso.

“What!?... Hey… that is my bed... then bakit ako ang matutulog sa lapag!?...”

Balik kong tanong na nasa tono nang hindi pagsang-ayon sa nais nitong mangyare.

“Eh kase bakla ka and besides I’m the one who renting this place before you came para maki epal at ipag siksikan ang sarili mo dito…”

"Aray kooo..."

Ako pa pala ang epal para dito.

"Pwes if you really hate gay mag dusa ka dahil pangangatawanan ko na talaga ang pagiging gay ko wag kalang maging masaya!!!... and I'll make sure na ikaw ang aalis sa bahay nato!!!..."

Patuloy kong pagmamaktol sa sarili.



Abala ang mga kaklase ko sa pag eelect nang class officers sa major subject namin na Drafting Laboratory nang umagang yun habang ako naman ay di makapag focus at abala sa pag hilot ng balikat at likod ko na nakakaramdam nang pananakit dahil sa pagkaka higa ko sa sahig kahit ilang gabi na ang nakakaraan.

"Bwisit kang damuho ka magdudusa kadin!!!..."

Angil sa sarili kasunod nang pag pukol nang matalim na tingin sa aking kaliwa kung saan naka upo si Aaron na may iilang upuang naka pagitan at saka ko naalala ang mga napag kasunduan pa namin nang gabing iyon. He sudjested me to become his servant kapalit nang pananatili ko nang libre sa paupahang tinutuluyan namin. Sa totoo lang kung gugustuhin ko kaya kong lumipat nang bahay na paupahan na pwede kong matuluyan kaso napag disisyunan ko na hindi ko bibigyan ito nang dahilan para maging masaya upang maka ganti nadin ako sa kanya kaya napag disisyunan ko narin na tanggapin nalang sa sarili na maging katulong nito tulad nang ipag luluto ito bago pumasok, mag lalaba at taga linis nang bahay kahit wala akong ediya kung pano gawin ang lahat nang yun dahil nasanay akong may katulong na nag sisilbi sakin simula pagka bata at simula nang tumungtong ako sa Cebu umaasa ako sa karindiryang nakakainan at Laundry shop na umaasikaso sa mga labahan ko pero OK narin ito para masanay ako sa mga gawaing bahay para maiwasan ko na yung mga nakagawian kung buhay sa Davao. Nasa ganto akong kalalim na pag iisip nang mapansin kong lumingon ang damuhong si Aaron sa gawi ko at biglang nag bigay ng mapang asar na ngiti nung mapansin nya na naka tingin ako sa kanya.

"Mr. Morales ikaw na ang Class Secretary from now on..."

Ang bigla kong narinig na sabi nang may katandaan na professor naming si Mr. Pimentel na sinundan naman nang pag palakpak nang mga kaklase ko na nagpagulat sakin at upang mapalingon sa harapan.

"Sir what?!!!..."

Balik ko na tanong na may labis na pagtataka.

"Di kaba nakikinig?... I sed Secretary kana nang na elect na class presedent na si Mr. Salazar and also to this class..."

Sagot ni Mr. Pimentel.

"What?!!!... Pano nangyare yun?!!!..."

Balik ko pa na may pag kunot na nang nuo sa labis na pagtataka.

"Now its obvious na hindi ka nga nakikinig Mr. Morales..."

"Mr. Salazar nomenate you in that position and lucky you cos you won the position..."

Tuloy-tuloy na paliwanag nito bago idinismiss ang klase pagkatapos mag ring ang buzzer hudyat na tapos na ang klase sa oras nayun. dali-dali ko namang hinabol ang papalabas na si Aaron para kumprontahin sa ginawang pag nominate sakin as his Secretary.

"What the heck is on your mind Aaron at ako pa talaga ginawa mong Secretary?..."

Paangil ko na banat kay Aaron nang maka lapit na dito.

"Ayaw mo ba nun pati dito sa school pag sisilbihan mo ako?..."

Sagot nito sakin na may mapang asar na ngiti at patuloy padin sa paglakad palabas kasabay nang isang lalake na mga nasa 5"7' at may pagka mistiso na hindi maitatanggi ang kagwapuhan dahil sa pagkakaroon nang angelic face at matipunong katawan na naging kaibigan ni Aaron na si Mico Reyes na batid kong silahis din dahil sa ginagawang pag dididikit nito kay Aaron at sa pamamaraan nang pakikipag usap at pag tingin nito sa isa pero alam kong hindi pansin iyon ni Aaron dahil kung alam nya ito sya na ang iiwas dito dahil sa pagiging gayhater nga nitong si Aaron.

"Bwisit ka talagang kumag ka may araw kadin sakin!!!..."



"Hey why is the long face?..."

Tanong sakin nang isang morenong may kakisigang lalake na matangkad sakin nang kaunti dahil sa hight nito na 5"5' at isang filam exchange student galing sa California at hindi rin lingid sakin ang pagiging alanganin nang gender nito dahil nabanggit naman na nya simula nung makipag usap sya sakin para makipag kilala na si Earnest Cruz na naging kasundo ko sa pag pasok sa Prince Academy dahil sa pagiging mabait nito kahit isa sya sa mayayamang cute na istudyanteng nag aaral sa Prince Academy.

"Nothing..."

Sagot ko habang patuloy sa pag higop nang biniling red icetea sa fastfood na regular ko nang kinakainan dahil mura ang mga pagkain.

"Dahil ba kay Aaron kaya ka nakasimangot dyan?..."

Ang tanong nito at umupo na sa kaharap kong upuan.

"Of course not and why should I bother my self to think that stupid arugant..."

Pag sisinungaling kong sagot na bahagyang tinaasan ang boses at pagtaas nang kilay para mas maging kapani-paniwala.

"OK fine... Gusto mo paba nang icetea?, I'll treat you if you want,. ubos na kasi yang sayo pero higop ka padin nang higop..."

Pang aalok nito pagkatapos sumangayon na sinundan nang pagtawa at napatawa din ako.

"No... Actually I'm done.... By the way... Why is a rich kid like you is here sa mumurahing fastfood?..."

Tanong ko kay Earnest upang maiba narin ang usapan.

"Actually nakita kita while I'm on my way back to Academy and you look so upset that's why I desided na bumaba sa kotse para makausap ka..."

Pag sagot at paliwanag nito sa tanong ko na bakas ang pag aalala kahit napipilipit na ang dila sa pagtatagalog.

"Oohhh... sorry napababa kapa tuloy nang wala sa oras but I'm telling you I'm perfectly fine..."

Sagot ko naman dito at sinundan nang pacute na ngiti para maalis ang pag aalala nito.

"Pabalik kanaba nang Academy?..."

Tanong ni Earnest pagkatapos makampante sa sagot ko.

"Yeah... Why you asking!?..."

"Sabay na tayo para hindi kana mag lakad mangingitim kalang sa init nang panahon pag nag lakad ka... sige ka mawawala yang pagiging mistiso mo..."

Pangungumbinsi nito upang sumabay na ako sa kanya.

"OK ikaw bahala..."

Pag sangayon ko dito.

"OK... I'll text mang Ben para sunduin tayo dito..."



Nakababa na ako nang sasakyan ni Earnest pagkatapos pumarada nito sa parking lot nang Academy nang biglang may humila sa braso ko at nakita ko ang galit na mukha ni Aaron habang naka kunot ang mga nuo nito.

"Anong problema mo ha?..."

Tanong ko dito pagkatapos humarap at agad na pag bawi nang brasong mahigpit na hawak nito.

"Ikaw!!!... Alam mo bang hindi ako nakapag lunch ng dahil sayo..."

Sabi nito sa pagalit na tono at agad kong naalala na nasa akin pala ang wallet nito dahil sa bag ko na pinalagay nito ang mga gamit nito kaninang umaga pagkatapos niyang maelect as Class Presedent at dahilan din kung bakit ako naka simangot habang kumakain sa fastfood.

"Aba kasalanan ko pa pala ngayon eh kung hindi kaba naman nuknukan nang tamad para pati wallet mo ipadala sakin edi sana naka kain kana ngayon..."

Pangangatwiran ko sa mataas na tono pero sa loob-loob ku nakokonsensya ako dahil hindi pa ito nakakapag lunch.

"Pre may problema ba?..."

Tanong ni Earnest na lumabas na din pala nang kotse at may halong pagtataka pagka kita sa pag didiskusyon namin ni Aaron habang nasa gilid nang kanyang sasakyan.

"Nothing Earnest... Aaron is just asking something... mauna kana sa class room..."

Baling ko kay Earnest at kasunod na pag haltak sa kamay ni Aaron palayo dahil alam ko na makikiepal nanaman ito.

"Aba umaasenso ka ah,. Ilang araw palang naka bingwit kana nang dekotseng syota..."

Pang aasar nito habang tinutumbok namin ang cafeteria nang Academy habang hindi alintana ang pagkakawak ko parin sa kamay ni Aaron at tumikhim para mapahinto ako at inginunguso ang kamay nya na hawak-hawak ko at bigla kong binitiwan dahil sa pagka asiwa na nararamdaman.

"Alam mo hindi kalang tamad ang dumi pa nang isip mong lalake ka..."

Baling ko dito pagkapasok na pagkapasok namin nang cafeteria sabay dukot nang wallet nito para maiabot dito at akma na akong lalabas nang bigla nanaman akong pinigilan nito sa braso.

"Ano nanaman ba ha?... Andyan na wallet mo sinyorito kaya lumamon kana hanggat gusto mo..."

"Dito kalang samahan mo ako habang kumakain..."

Utos nito sa mahinahong boses bago pumunta sa pila upang maka kuha nang pagkain sa palagay kodin nahihiya itong mag isang kumain sa gantong klaseng lugar lalo nat may iilang kalalakihan na napapatingin sa kanya pati narin ang mga bakla na nag aaral sa Academy.

"OK... maghahanap lang ako nang mauupuan natin..."

Pahabol ko dito bago tuluyan itong pumunta nang pila.

Dala na nito ang tray na pinag lalagyan nang dalawang set nang pagkain pagka balik nito at naupo sa tapat ko at inilagay ang isang set nang pagkain sa tapat ko at ang isa naman ay sa tapat nya.

"Ohh... Ano toh!?..."

Baling ko sa kanya na nag sisimula nang kumain.

"Tanga kaba natural pagkain..."

Sagot nito na nasa boses ang pag susuplado.

"Aray ko... Natanga pa ako..."

"Mr. Aaron manyakis alam kong pagkain to pero anong gagawin ko dito?..."

Balik na tanong ko namay halo nang pang-aasar para maka bawe sa pagtawag sakin nang tanga at pag bigay diin sa salitang manyakis.

"Kainin mo alangan ba namang subuan pa kita..."

"Kumain na ako..."

Tanggi ko sa pang-aalok nito.

"Kakainin mo bayan o isusubo ko sayo nang sapilitan... kumakain kanga na kasama yung filam na Earnest nayun tapos sakin ang dame mong arte..."

Panghahamon nito at tila ba nag seselos kung hindi lang nito sinabe na gayhater.ito iisipin ko na nag seselos talaga ito.

"Sakin kana sasabay lagi pag kakain and pag uuwi para hindi ka nakikipag landian kung kani-kanino..."

Salita nito Pagkatapos naming kumain at tinutumbok na ang Salsedo building na nasa right side nang campus patungo sa Chemistry Laboratory na next subject namin. Hindi ko na pinansin pa ang sinabi nito dahil alam kong isa nanaman ito sa mga balak nito para alipinin ako. Papunta na ako sa laboratory table kung san ako naka assign na group kung saan ka group ko din si Earnest na leader namin.

"Bat hindi mo suot ang laboratory gown mo?..."

Tanong sakin ni Earnest pagka lapit ko sa table.

"Fuckshit.... Naiwan ko sa locker,. wait kukunin ko lang..."

"No... Etong gown ko nalang gamitin mo besides mag oobserve lang naman kaming mga leader ngayon sa experiment..."

Pang-aalok nito at agad na hinubad ang kaninang suot na gown para maipahiram sakin.

"Hindi nya kaylangan yan etong akin ang gagamitin nya..."

Ang biglang singit ni Aaron na sumulpot sa likuran ko kasunod nang pag abot ng laboratory gown nito na isa ding leader sa katabing group nang table namin at halatang halata sa ekspresyon nang mukha nito ang galit na imahe.





Itutuloy...

No comments:

Post a Comment