Pasalamat nalang ako
na kahit unit-unti ng tinutunaw ng takot ang kakapiranggot kong utak nagawa
parin nitong makapag isip ng posibleng maidadahilan.
“Oohhhf course I must
know everything,. Coooos I’m a scholar remember? It is required for a scholar
like me to know what kind of world meron ang mayayaman na katulad nyo!...”
Pautal-utal kong
sagot na tila ba hindi na ako huminga masabi lang ang aking tugon kasunod ng
fake na ngiti at hindi direktang pag tingin dito.
“Sorry for doubting
you!,. I just can’t help my self wanting to know more about you Nathan… I’m
really sorry…”
Paghingi ng paumanhin
nito na halatang halata ang sensiridad na nagdulot naman sa akin ng labis na pagka
konsensya.
“I know this is a bit
sounds crazy, it just feels like I met you before…”
Patuloy pa nito.
“What are you trying
to imply?...”
Pagtatakang balik ko
na tanong.
“You really so
familiar to me… You look one of my classmate way back when I was studying in
Otago University sa New Zealand but I know its impossible…”
Nagulat ako pagkasabi
nito na nag aral sya sa university nayun dahil I’m starting to have a life in
New Zealand after kong layasan sila mama nung nag bakasyon kame sa father side
ko sa Spain, a few weeks later after kong makapag enroll sa Otago University I
got a call from my mom na I need to go home sa pilipinas dahil may sakit si dad
and he keep asking my mom na pauwiin ako kaya wala ding nagawa ang pagmamatigas
ko dahil napilitan din akong umuwi alang-alang sa aking ama ngunit pag uwi ko
nagulat ako dahil hindi naman pala totoong may sakit si dad, dinahilan lang
nila yun para mapilitan akong umuwi ng pilipinas at ilang linggo ko ding
dinamdam ang nangyare.
Ngunit hindi ito ang
labis na gumugulo sa aking isipan, ang labis na nagpapagulo sa akin ay ang
katotohanang posible ngang nag kita na kame ni Earnest noon, hindi ko lang siya
gaanong maalala dahil hindi naman ako nag tagal sa university nayon, isa lang
ang naaalala kong tao na nameet ko sa New Zealand the lonely guy that I met sa
Beach Haven nung unang dating ko sa Dunedin but unluckily I can’t remember his
face and I didn’t even manage to know his name.
Nasa ganito akong
kalalim na pag-iisip nang marinig ko nalamang ang boses ni Earnest na
nagtatanong na nag basag sa aking mahaba-habang katahimikan.
“Is there something
wrong Nathan?... I’m so sorry if I said something na hindi mo nagustuhan”
“Wala yun… Ano ka bah
naiintindihan naman kita eh!... Tara na baka malate na tayo sa next subject
natin…”
Ang simpling tugon ko
nalamang dito upang hindi narin humaba pa ang usapan kahit nananatili padin ang
takot na aking nararamdaman, takot na ano mang sandali maaaring malaman ni
Earnest ang tunay kong katauhan lalo na’t hindi malabong mangyari yun pag
nagpatuloy pa ang kanyang pagdududa.
Natapos na ang klase
namin sa buong maghapon ng hindi manlang din ako nakatanggap ng pag pansin kay
Aaron hanggang mag bell hudyat ng oras na para umuwi.
“Nathan gusto mo
sabay na tayo umuwi?...”
Ang narinig kong
paanyaya mula kay Earnest pagtayo ko palang ng upuan para tunguhin si Aaron na
sinundan pa nito ng paglapat ng palad nya sa aking balikat mula sa likuran na
nagawa sa akin para mapahinto.
“As much as I love
too Earnest pero may dadaanan pa kasi ako eh…”
Pagdadahilan ko
nalang after kong maalala ang sinabi ni Aaron na “Simula ngayon ha sakin kana sasabay” dagdagan pa ng pag iwas upang
hindi na maulit ang insidenteng pagtatanong nito tungkol sa aking katauhan.
“Are you sure?, .
Pwede kitang ihatid sa pupuntahan mo if you want, besides nariyan naman si
manong, yung driver ko para mag drive satin…”
Patuloy parin nito na
pang aalok.
“Pasensya na talaga
Earnest ha pero wag na talaga, masyado na rin kasing nakakahiya sayo”
Ang tugon ko nalang
na sinundan ng pagtalikod at nag lakad papalabas ng room upang habulin ang
naunang lumabas na si Aaron.
Alam kong naiwang
upset si Earnest na nag dulot sa akin ng pagkaawa sa nabanggit na lalake.
Agad akong nag tungo
sa parking lot ng school pagkatapos kong makuha ang mga lunch box na iniwan ko
sa locker ko pero hindi ko na matagpuan ang motor ni Aaron sa parking lot.
“Pag tinamaan ka nga naman ng malas oh!... Ang lakas ng
luob na magsabe na sa kanya na ako sasabay pero eto ako ngayon iniwanan ng
loko…”
Pagmamaktol ko sa
sarili kasabay ng pag sipa sa latang nakita ko sa aking harapan dala ng aking
pagkaasar, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito, dahil ba sa pag
aasam kong isasabay talaga ako ni Aaron sa pag uwi o dahil sa pagtanggi ko sa
alok ni Earnest.
“Ano tapos naba kayo
mag usap ng Prince Charming mo?...”
Ang narinig kong
tinig mula sa likod na walang dudang boses ni Aaron. Hindi nga ako nagkamali
sya nga ang nag mamayari ng tinig pagka harap ko dito, kababakasan padin ng
pagka bugnot dahil sa pagsasalubong ng mga kilay nito.
“Saan kaba pumunta
kala ko naman iniwan mo na ako?...”
Ang tanong ko
nalamang dito at sinundan ng paglapit sa kanya, hindi ko mawari ang aking
nararamdaman dahil bigla akong nakaramdam ng saya pagka kita sa kanya at hindi
ko maiwasang hindi mapatitig sa kadahilanang kahit hindi maganda ang mood nya
hindi parin nawawala ang kagwapuhan nito ( “OMG!
Humahanga na nga talaga ako sa kumag nato…” )
“Oh… Bat naka tanga
ka pa dyan halika na andun sa kabila nakaparada yung motor ko, nilipat ko
kanina dahil pinaalis ako nung guard, may kotse daw na naka pwesto dun sa pinag
paradahan ko kanina ng motor…”
Ang sinabe nalamang
nito kasabay ng paglakad upang tunguhin ang sasakyang nabanggit, wala narin
naman na akong nagawa kundi ang sundan ito at dikitan ito sa gilid at bahagyang
kumakapit sa braso na tila ba magkasintahan.
“Ano ba yang ginagawa
mo… Umayos ka nga para kang tanga mamaya isipin ng mga makakakita satin kasintahan
kita eh…”
Ang pananaway nito sa
ginagawa ko kasabay ng pag alis ng nakakapit kong kamay sa braso nito, dala
narin nang ugali kong mahilig mang asar ipinag patuloy ko padin ang pag kapit
sa braso nya na tila ba walang naririnig at sinusundan pa ng pag hagikgik sa
kadahilanang alam ko na naaasar na sya dahil lalong nag salubong ang may
bahagyang kakapalan nyang kilay na lalo namang kinatuwa ko.
“Eto naman minsan na
nga lang mag lambing eh…”
Ang sinabe ko dito na
pinalandi ang boses at patuloy padin sa pagkunyapit sa mga braso nito habang
naglalakad na sinabayan pa ng pag hilig ng bahagya ng aking ulo sa balikat nya
na tila ba isang babae na naglalambing sa kanyang boyfriend. Hindi naman
nakatakas sa aking paningin ang pamumula ng kanyang mga pisngi dala narin
siguro ng hiyang nararamdaman dahil sa aking ginagawa.
“Ano kaba umayos ka
nga Nathan napapahiya na ako pinag titinginan na tayo oh!...”
Ang pananaway nito na
bahagya akong itinulak at nag bigay ng distansya sa aming dalawa at duon ko
nalang din napansin na maraming mata narin nga ang nakatingin sa amin pero
lingid sa akin na may isang nakatingin sa amin mula sa likuran na labis na
nasasaktan. Pero imbes na mahiya lalo ko pa syang inasar.
“Ano kaba naman honey
minsan na nga lang ako mag lambing sayo tapos ganyan kapa…”
Ang balik na
pangaasar ko dito na lalo pang nag pamula ng kanyang pisngi at halos hindi na
makatingin sa akin ng diretso, wala siyang nagawa kundi ang sumampa nalang sa
kanyang mutor at sinimulang paganahin ang makina nito.
“Pag hindi ka pa
tumigil dyan iiwanan na talaga kita…”
Ang sabi nito na nasa
himig na napipikon na.
“Eto naman hindi
mabiro…”
Ang tugon ko nalang
at sumampa narin sa likuran ng mutor, hindi ko mapigilang hindi mapangising aso
dahil sa tuwa na siya ang napikon sa mga sandaling ito dahil kalimitan ako ang
naaasar sa mga pinag gagagawa nito sa akin na pangaasar.
Kasalukuyan kong
ninanamnam ang mga sandaling nakayapos ako sa likuran ni Aaron habang naandar
ang mutor nang mag vibrate ang cell phone ko sa bulsa hudyat na may pumasok na
message, maingat kong kinuha ang cell phone ko sa aking bulsa at saka tiningnan
kung sino ang nag text.
” Cómo está mi hijo?...”
Eto ang bumungad sa akin nung nabuksan ko
na ang unread message sa aking cell phone “How are you my son?...” na kahit hindi naka register ang number sa aking cell phone batid kong galing
ito sa aking ina dahil kabisado ko din ang number nito pati narin sa aking mga
kapatid at sa aking papa, napag bilinan ko din kasi si mama na imbes na tumawag
nalang itext nalang ako kung sakaling may kailangang sabihin sa
kadahilanan na din na maingatan ang aking sikreto na agad namang sinang ayunan ni mama even
though na hindi siya sanay sa pagtitext cos she preferred to call. Hindi ko naman magawang makapag reply dahil
nagkataong wala akong load, hindi naman kasi naka line ang number na gamit ko
hindi tulad ng cell phone na gamit ko sa Davao.
“I’m here at Duset with your kuya Nerie… Drop by here if you have time, we really want see you Nathaniel…”
Ang kasunod pa na text na nareceive ko galing kay mama. Kailangan Kong mag
punta duon kahit na ayoko dahil andun si kuya Nerie, batid ko kasing sermon
lang ang aabutin ko dito dahil ilang buwan na ang nilagi ko sa Cebu pero hindi
ko manlang nagawang mag paramdam dito, wala naman kasing mangyayare din kong
patuloy ko siyang tatakasan besides andun naman si mama para iconsole ako kung sakaling sermunan ako nito.
Pagkahintong-pagkahinto palang ng mutor sa
tapat ng tinutuluyan namin ni Aaron agad-agad akong bumaba at nag paalam sa
kanya.
“Aaron bumili ka nalang muna ng lutong
ulam para sa dinner mo dahil may pupuntahan ako…”
Ang agad Kong sabe pagka pasok palang ng
bahay.
“Ano at saan kan naman pupunta ha?...”
Ang tanong nito na nasa tono ng pagtataka
na hindi ko na gaanong inintindi dahil dumiretso na ako sa kwarto para makapag
bihis. Hindi ko namalayan na nasa pinto na pala ng silid si Aaron at taimtim na
pinapanuod ako habang isinusuot palang ang pang itaas.
“Mukhang makikipag date ka ah…”
Ang sabi nito na nag gawa sakin upang
mapaharap na di alintana na wala pa pala akong pantalon.
“I don’t know if I can call it a date but
I’m going to meet an important person…”
Ang simpleng tugon ko nalang at kasunod na
isinuot ang pantalon.
“Gusto mo sumabay kana sakin?... May lakad
din kasi ako…”
Pang aalok nito na wala sa aking hinagap.
“Wag na baka maabala kapa…”
Balik ko dito at bahagyang tinanaw ang
sarili sa wall mirror na nasa
gilid ng side table at nang makuntento na sa aking nakikita saka ako lumabas ng
kwarto at nilagpasan lamang si Aaron.
“Makikipag date ka sa Prince Charming mo
ano?...”
Ang tanong nito na sinabayan na ng
pagsasalubong ng kilay.
“Wag ka ngang praning… Hindi noh…
She’s just an old friend of mine from
Davao…”
“Andito daw kasi siya sa Cebu ngayon kaya
I’m grabbing the chance to
meet her…”
“Masyado ka namang siloso…”
Ang tuloy-tuloy Kong sagot na hinaluan na
ng pagsisinungaling at pangaasar na may ngising aso, hindi naman nakaligtas sa
aking paningin ang pamumula ng pisngi nito ng sulyapan ko siya.
“Selos ka dyan… Nag aalala lang ako lalo
nat hindi mo pa gaanong kabisado itong Cebu…”
“Tatanga-tanga ka pa naman kung minsan…”
Ang balik nito na hindi ko alam kung
ikaaasar ko ba o ikatutuwa.
“Aba at kaylan pa nag alala sakin ang
isang Aaron Salazar?...”
Ang mabilis na tugon ko naman na sinundan
na ng pagtaas ng kilay.
“Umalis kana nga bago mag bago ang isip ko
at baka hindi pa kita paalisin dyan…”
Ang dagliang pagtataboy nito na kakakitaan
na ng halos pamumula ng pisngi at paiwas na tingin sa akin. Agad ko namang
sinangayunan dahil baka magbago pa nga ang isip nito at ipagawa sakin na
linisin ang buong bahay bago ako umalis at maaaring hindi ko na magawang mameet
si mama pag nagkataon.
Ganap na madilim na ng makarating ako sa
Duset, agad Kong tinumbok ang 26th floor pagkapasok ko palang ng gusali upang
tunguhin ang Fiesta San Miguel dahil naitext naman na ni mama ang ditalye kung
nasaang room sila ni kuya Nerie. Bumungad naman sa akin muli ang receptionist na nag entertain sa amin ni kuya Art nuong pumunta kame
dito. (“Kamusta na kaya si kuya Art?...”)
ang biglaang tanong na sumagi sa isip ko at hindi ko narin namalayan na may
sinasabe na pala ang receptionist na nasa counter.
“Excuse me boy but minor is not allowed here…”
Ang sabi nito na tila nanlilibak at
sinipat ako mula ulo hanggang paa na sinabayan pa ng pagtaas ng kilay na tila
ba naghahamon ng away.
“Oohhh… Sorry I’m already in legal age to be in such place like this miss… If you
wish I can show you my Identification Card for you to confirm
how old I’am…”
Ang magalang ko nalang na balik kahit
medyo naiirita na ako sa naging pakikitungo nito sa akin.
“Even if you are… Do you think you’re
capable enough to afford what
we offer here?...”
Ang mas nakakairitang balik nito na nag
gawa sa akin upang makaramdam ng tila panunuyo ng dugo sa buong katawan na nag
bigay daan din upang mapansin ako ng ibang tao na naruon at mamuo ang mahinang
kumusyon na tila ba nilalait ako, ngunit pinanatili ko pading maging mahinahon
upang hindi na lumaki ang issue. Buti nalang at nakapag load ako bago dumiretso sa Duset, tinawagan ko
kaagad si mama at pinakiusapang tunguhin ako agad sa reception area, ilang menuto lang at dumating nga ang walang pagbabagong pabulosa kong
ina at agad akong lumapit dito para yakapin dala narin siguro ng prostration sa nangyare at labis na pangungulila sa
kanya.
“Oh hijo bat hindi ka pumasok sa luob?...
Sinabe ko naman na sayo kung nasaang room kame ng kuya Nerie mo…”
Ang tanong ng aking ina na nakaakap nadin
sa akin at bahagyang hinahaplos ang aking pisngi.
“There’s something wrong happen between me and our receptionist mom but lets talk about that inside…”
Ang pagyaya ko sa aking ina at naiwan ang
mga ilang matang nakatuon sa amin na may halong pagtataka lalong-lalo na ang receptionist
at kasunod na tinungo namen ang office ni kuya Nerie, pag pasok ko palang ng
silid nakita ko na si kuya Nerie na naka upo sa isang Avery Boardman couch na
napapagitnaan ng dalawa pang couch habang sumisimsim ng kopita ng 62 Year Old
Dalmore na naka patong sa crystal glass center table at kapansin-pansin din ang
pagkakaruon ng white grand piano sa office ni kuya, halos hindi mo nga ito
maiisip na office dahil sa laki nito at pagkakaruon ng isang kwarto na
ginagamit ni kuya pag hindi na nagagawang umuwi ng condo nya dahil sa dame ng
inaasikaso nito,meron ding 8 feet tall na aquarium kung saan nagsisilbing
partition sa pagitan ng working area nito at ng kinauupuan nito ngayon.
“Lo que le
pasó a tu sentido de la moda
mi querido hermanito?...”
Ang tinig na narinig ko
mula dito pagkakita sa akin.
Itutuloy…