About Me

My photo
"hmm... What can I say about my self... You can call me Philippines Prince,. Haha... I really love swimming & amp... chatting. :D I made this site for me to be able to express my feelings to other and of course to share all the thought that I have in my mind, I love funny person, I love taking pictures of myself, I'm not snob people who's sending me comments and messages. hmmm... I entertain them. hahaha... :)) I jump and run around like crazy,. if I'm excited about something :P .. I'm a very kind person but always importunate and full of energy :P .. I'm one of those people that always with good intentions but don't know how to express themselves :S ..specially when it come's to my crush I'm a very shy person & loyal of course, even if it comes to something that might kill me, when it comes to my friends ill do anything no matter what it costs & amp; uhm... about my personal life. Ask me about it. LOL ;)

Tuesday, December 13, 2011

Poor Prince (Nathaniel) Chapter 9


"Manatili muna tayong ganto ang sarap kasi sa pakiramdam na kaakap ka..."

Ito ang mga salitang narinig ko na nanggaling sa bibig ni Aaron habang nananatili paring naka akap sakin. Mga simpleng salita pero makahulugan para sakin, mga salitang masarap sa pandinig at pakiramdam na tila ba hindi ko pagsasawaang marinig nang paulit-ulit at mga salitang nag dulot ng kakaibang takot takot na hindi ko mawari, kung para saan man diyos lang ang nakakaalam.



Mga ilang buwan na ang lumipas pagkatapos ng gabing iyon at simula nun napaka laking pagbabago din ang naganap sa pamamaraan ng pakikitungo sakin ni Aaron, tila nag laho na ang Aaron na bugnutin na nakilala ko at napalitan ng palangiti at friendly na Aaron. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pagbabagong iyon pero kung ano man yun hindi na mahalaga para sakin dahil masaya ako kong ano man ang nakikita ko sa kanya ngayon.

Nasa ganto akong kalalim na pag iisip habang naka tingin sa gawi ng kinauupuan ni Aaron na sinasabayan ng pag ngiti ng marinig kong mag salita ang may kapayatang babae na pag hindi mo sya kilala ay mapagkakamalan mong si Olive Oil na girlfriend ni Popey na naging professor namin sa Royal Ethics na si Ms.Mendez.

"Those students na under ng scholarship program ng academy mag handa na kayo dahil kayo ang mag sisilbing tagapangalaga ng mga kabayo na idideliver this week na gagamitin para sa horse back riding lesson natin bago matapos ang semester na ito..."

Pagkatapos banggitin ng professor namin ang mga salitang binitiwan sinundan ito ng manakanakang ingay na nanggaling sa mga kaklase ko, ang iba ay natutuwa at halatang nananabik at ang iba naman ay halata ang pagka dismaya dahil batid nila kung ano ang posisyon nila sa academy na pinaliligiran ng mga mayayamang istudyanteng walang magawa sa pera na nanggaling sa ibat ibang prominenteng pamilya, saka sumagi sa isip ko ang hindi pantay na pag trato sa mga istudyante. Pumapayag ang Prince Academy na magkaroon ng pagkakataon ang isang commoner na makapag aral sa ganitong klaseng paaralan at magkaroon ng mataas na antas ng edukasyon ngunit sa likod nito hindi naman talaga ganon kaganda ang pangakong binitiwan para sa mga scholar, kya lang naman nagkaruon ng ganitong opportunity upang magkaruon ng mga laruan at katulong ang mga mayayamang estudyante habang nag sasayang ng pera at oras sa paaralan.

Nakakalungkot man isipin ngunit ito ang natuklasan ko sa mundo sa pagitan ng mahirap at mayaman.

"Oy! bat ka naka simangot?..."

Basag ni Aaron sa pag iisip ko at naupo sa tagilirang upuan sa aking kaliwa.

"Wala... nagugutom na kasi ako..."

Pag aalibi ko sa kanya at sinundan ng pilit na ngiti.

"Edi tara na para maka kain na tayo nagugutom nadin ako eh..."

Pagyayaya naman nito at agad na sinundan ng pag hawak sa kamay ko upang alalayang maka tayo at hindi alintana ang mga matang naka masid.habang tinutumbok namin ang daan papuntang cafeteria.



"Aaron dito kana maupo..."

Tawag ni Mico kay Aaron na hindi masukat ang sobrang luwang na pagkakangiti habang ikinakaway ng bahagya ang kamay pagka pasok namin ng cafeteria na nilingon naman agad nito pagka rinig ng boses kasunod ng pag tumbok sa lamesang naka pwesto sa bandang sulok  na kinauupuan nina Mico at ng dalawa pa nyang "close friends kono..." at wala akong nagawa kundi magpatianod sa kasama kahit dama ko na may hindi magandang mangyayare dahil nuon paman hindi na talaga magaan ang luob ko kay Mico at batid kong ganun din naman siya sakin.

"So anong gusto mong kainin for today  Nathan?... Don't worry my treat cos I know naman na you can't afford yung mga pagkain na sineserve dito..."

Baling sakin ni Mico pagkatapos naming maka upo at sinundan pa ng pag halakhak ng dalawang ungas na kasama nitong humpy dumpy.

Dahil sa pagka dismaya ko sa inasal nito hindi ko naiwasan na makaramdam ng galit na agad ko namang napigilan para hindi nadin makaagaw ng atensyon sa ibang .mga kumakakaing estudyante ng mga sandaling iyon.

"Aaron I think I should go besides ikaw lang naman ang inalok nila eh..."

Salita ko kay Aaron at sinundan ng agad na pag tayo ngunit nagulat ako ng tumayo din si Aaron na akala ko ay magpapaiwan at nag salita.

"Sa susunod na bastusin nyo pa si Nathan mananagot kayo sakin and you Mico dont bother to talk to me again nangangalingasaw ang lansa mo..."

Tiim bagang na bulalas nito at bakas ang galit sa mga mata habang naka harap sa tatlo na sinundan ng pag hila sa kamay ko upang ilayo sa kanila at humanap ng ibang lamesang mapepwestuhan.

Pumanhik kami sa 2nd floor ng cafeteria at ng makakita ng lamesang bakante agad naming inukupa, pumuwesto kami malapit sa balcony kung saan tanaw ang garden na humahati sa ground ng college students at high school students ng Academy.

"OK ka lang ba Nathan?..."

Basag na tanong nito sa pananahimik ko pagkatapos naming maka upo at pagkatapos kong ilabas galing sa bag ang lunch box na dala ko para saming dalawa. Nakaugalian ko na kasing mag baon nalang para sa aming dalawa ng pagkain para hindi na namin kaylanganing bumili sa cafeteria.

"Yeah I'm fine... Ikaw nga ang inaalala ko kasi mas mukhang galit kapa kesa sakin dahil dun sa mga yun..."

Balik ko dito habang pinag mamasdan ang gwapong mukha nito na kababakasan padin ng galit dahil sa nangyari, "Teka nga muna humahanga naba ako kay Aaron para magwapuhan ako sa kanya!!!..." hindi ko akalain na ganon ang magiging reaksyon nito at nagawa pang ipag tanggol ako.

"Mga ungas nayun... subukan lang nilang gawin ulit yun at hindi ako mag dadalawang isip na basagin ang mga pagmumukha nila..."

Sabi nito at minuwestra pang pinakita ang tikom na kamao.

"Ikaw talaga napaka basagulero mo,. Don't you ever try to do that kung ayaw mong mawala ang scholarship mo.."

Pasaway na sabi ko dito kasunod ng pag bigay ng malakas na pagbatok.

"Aaaray... Ano kaba tingnan mo nga tong ginagawa mo sakin kung maka saway ka eh mas war freak kapa nga sakin lalo na sa mga pananakit mo hindi mo ba alam na nilalabag mo na ang human rights ko.

Pangangatwiran nito na sinundan ng pag haplos sa batok na nasaktan na nagdulot naman sakin ng pagka konsensya dahil sa ginawang pananakit dito.

"Aba may pahuman rights-human rights kapang nalalaman ngayon eh kung batukan kaya kita ulit gamit naman ang sapatos ko..."

Balik ko na umaamba ng pagkuha ng sapatos at pananakot na ipapandagok ko dito.

"Oh tingnan mo masyado kang sadista... Kulang nalang sayo maging kamukha mo yung bestfriend mong diablo para masabi kong nasa impyerno na talaga ako..."

Pangaasar na nito na sinasabayan pa ng paghalakhak na tila nawala na ang galit na nararamdaman kanikanina lang at dahil sa pamamaraan ng pangaasar nito hindi ko naman naiwasan na makaramdam ng pagka pikon dahil sa totoo lang napaka galing talaga nito mangasar kaya naman nagiging problema ko ang ugali nyang yun dahil masyado naman akong pikunin na labis nya namang kinatutuwa.

"So you mean feeling mo nasa impyerno ka sa twing kasama mo ako!!! hmpt..."

Patampo ko na balik at pagpapahiwatig na napipikon na ako na sinundan pa ng pagtaas ng kilay at pag ismid.

"Ano kaba di ka naman mabiro oh... Kaw talaga napaka pikon mo kaya ang sarap-sarap mong asarin eh..."

Pangaalo nito na bahagya pang pinipisil ang magkabilan kong pisngi na parang pinanggigigilang bata na agad ko namang kinangingiti sa twing gagawin nya yun.

"I'm not scared to do anything just to protect you and I'm not a scholar of this academy Nathan..."

Ang biglaang sambit at pagsiryoso ng tono at mood nito.

"What do you mean?..."

Ang bigla kong tanong dala ng pagkalito sa mga salitang binitiwan nito na hindi na nya nagawang sagutin dahil sa pag nguso nito na tila may tinuturo sa likod ko at agad ko namang nilingon, tsaka nakita ang papalapit nasi Earnest dala ang tray na pinaglalagyan ng pagkain nito.

"I hate to interrupt you guys but do you mind if I join to your table?..."

Tanong ni Earnest pagkalapit sa lamesa namin na sinundan naman ng pagsimangot ng isa na tila hindi pagsangaayon. Kung si Mico ang labis kong kinaaasaran na tao sa class room namin etong si Aaron naman ay kumukulo ang dugo kay Earnest, hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit dahil napaka bait naman ni Earnest sa amin hindi lang saamin kundi sa buong klase kaya hindi ko masise ito kung kagiliwan man siya ng mga professor at mga kaklase ko lalong lalo na ng mga bading.

"No it's OK... Dito ka nalang sa tabi ko..."

Tugon ko kay Earnest na abot tenga ang ngiti at agad na inilapag sa table ang dalang tray at umupo sa tabi ko at nagdulot naman kay Aaron upang malukot ng husto ang itsura ng mukha nito at nag focus nalang sa pag subo ng pagkaing dinala ko para sa kanya.

"Wow mukhang masarap yang ulam mo Nathan ah... Mukhang ganado kasi kumain si Aaron eh"

Pag tukoy nito sa chicken adobo na naka lagay sa lunch box ko.

"Yan ba yung lutong tinuro ko sayo?..."

"Oo madali lang kasi lutuin eh and magaling kadin kasi mag turo kaya master ko na kung pano gawin..."

Sagot ko dito sa himig ng pagmamalaki na sinundan pa ng pacute na ngiti na bigla namang kinatigil ni Aaron sa pagsubo at sukat na mailuwa ang pagkain na kakasubo lang sa bibig pagkarinig ng mga sinabe ko dala ng nabulunan na kinagulat naman naming dalawa ni Earnest.

"Ohh... Ok ka lang ba Aaron ?... oh eto tubig..."

Ang maagap kong naisambit dala ng pagaalala at kasunod ng pag abot ng baso ng tubig, haplos-haplos ang likod ni Aaron habang nakatayo na sa kanyang likuran, wala namang nagawa si Earnest kundi pagmasdan lang kami dala narin siguro ng pagkagulat sa nangyare.

"Do you think I'm fine?... Eh halos malason ako sa sama ng lasa ng ulam na niluto mo..."

Pagalit na balik nito na halos bulyawan ako na nag dulot sakin upang lalong mas mabigla dahil kani-kanina lang naman maayos nitong kinakain ang pagkaing dinala ko para sa kanya bago paman dumating si Earnest. Hindi ko narin nagawang magsalita pa upang mag tanong binanatan na ako ng pagtalikod nito upang umalis pagkatapos maka inom ng tubig.

"Ano nanaman bang problema ng taong yun!!!... Kahit kelan talaga panira ka ng moment Aaron!!!..."

Halos pagalit kong sambit sa isipan pagkatapos akong layasan ni Aaron at agad kong tinikman ang pagkaing iniwan nito upang malaman kung ano ang naging problema nito sa pagkain na inihanda ko para sa kanya, after tasting it I found out that there is nothing wrong, actually the taste is great pa nga kaya inisip ko nalang na baka sinumpong nanaman sya nang pagkakaruon nya ng saltik sa ulo kaya sya umarte ng ganon, umarte nalang din ako ng kaswal sa harapan ni Earnest para hindi narin mag taka ito ayoko naman din kasing masira ng tuluyan ang moment ko habang kasama ang Mr.Popular and Nice Guy ng Academy.

“So what’s wrong with the food?...”

Ang naitanong nalang ni Earnest na may halong pagtataka pagkatapos kong tikman ang pagkain, pambasag narin sa katahimikang nagsisimulang mabuo.

“Napadame ata yung soy sauce na nailagay ko…”

Pag dadahilan ko nalang upang hindi na humaba ang usapan.

“So that mean hindi mo na pwedeng kainin yan, OK wait me here I’ll buy you another food..”

Ang biglang sabi nito na sinundan ng pag alis upang maka bili ng pagkain. Hindi ko nadin naman naawat dahil bigla na siyang tumayo upang tunguhin ang food counter na nasa 1st floor para bumili.

Mga ilang saglit pa at nakabalik na ito dala ang isang tray kung saan nakalagay ang pagkaing binili at inihain sa harapan ko.

Culatello para sa Antipasti, Minestrone para sa appetizer sinamahan pa nang Columba Pasquale, Agnolotti, Cannelloni at bigla kong naalala ang aking ina pagka kita ng Arancini dahil ito ang madalas na pinang-aalo sakin ni mama pag alam nya na depress ako. Halos Italian cuisine na masasarap ang lahat na pagkain ang binili nito.

“Bakit napakadami naman nito Earnest at Italian cuisine pa?...”

Ang naitanong ko nalang sa kanya pagkatapos ihain sa aking harapan ang mga pagkaing binili nito at bumalik sa pagupo na naka pwesto na ngayon sa katapat kong silya.

“Para naman mabusog ka,. Alam mo namang ayokong nalilipasan ka ng gutom at mukhang nangangayayat ka din kasi…”

Sagot nito na nasa himig nang pagiging sweet na may halong pagaalala na nag dulot naman saakin upang makaramdam ng self-conscious at nag pamula ng aking pisngi.





“Ano nagustuhan mo ba yung Arancini?...”

Tanong nito pagkatapos naming kumain habang tinutumbok ang Merced building para sa susunod na subject.

“Oo naman… ang sarap nga eh kasi lasang-lasa yung mozzarella at breadcrumbs na ginamit…”

Walang alinlangan kong sagot habang patuloy sa paglalakad.

Hindi ko na napansin na huminto pala ang isa habang patuloy ako sa paglalakad.

“Sino kaba talaga?...”

Ang narinig kong tanong mula kay Earnest na nagawa sakin upang lingunin siya at nag pahinto sakin sa paglalakad.

“What do you mean?...”

Balik na tanong ko sa kanya na may halong pagtataka habang nakatitig kay Earnest, bakas sa mukha nito ang pagnanais na mabigyang kasagutan ang mga katanungang namumuo sa kanyang isipan.

“You’re not just an ordinary person…”

Kasabay ng paghagod ng paningin nito sakin mula ulo hanggang paa na tila ba kinikilatis ako ng husto.

“Cos it feels like you’re from a rich family, you know lots of things na hindi alam ng pangkaraniwan…”

Patuloy na pagsasalita nito na unti-unti namang nagdudulot sakin ng kaba na gumagapang sa aking isipan.

“Like nalang sa champagne and the food we ate awhile ago.. You know those things na hindi alam ng pangkaraniwan…”

Patuloy pa nito.





Itutuloy…

Poor Prince (Nathaniel) Chapter 8


"No thanks Aaron kay Earnest ang gagamitin ko..."

Sagot ko kay Aaron at biglang pagtalikod sa kanya nang iabot nya sakin ang laboratory gown nya upang ipahiram, batid kong magagalit ito sa ginawa kong pag tanggi ngunit ginawa ko iyon para kahit papano manlang ay maka ganti ako sa pang-aaliping ginagawa nito sakin. Hindi ko alam kung inaaasar din ni Earnest si Aaron dahil inalalayan pa talaga ako nito na maisuot ang laboratory gown na pinahiram nito.

Hindi ako makapag concentrate sa ginagawa naming experiment dahil pag napapasulyap ako sa gawi ni Aaron nahuhuli ko ang mga masamang tingin nito lalo na pag magka diket kami ni Earnest sa tuwing may itatanong ako at madalas din na pag bangga nito sa balikat ko na tila sinasadya pag lumiligid ako sa kabilang side ng table namin na kalapit ng table ng group ni Aaron pero hindi ko na gaanong pinag tuunan pa ng pansin ang mga inaasal nyang iyon dahil sa luob-luob ko nag diriwang ako dahil naka ganti din ako sa kumag na si Aaron, base in my observation sa mga ilang araw palang namin na pagkakasama sa paupahang tinutuluyan namin ayaw nitong hindi nasusunod ang gusto nitong mangyari

Halos pasado 5:00 na ng matapos ang huli naming subject na hindi pinasukan ni Aaron na hindi ko na alam kung bakit hindi ito pumasok, kasalukuyang tinatahak ko na ang Merced building na naka pwesto sa likod ng Salsedo building ng biglang lumapit sakin si Earnest para mag tanong.

"Are you free tonight?..."

Tanong nito.

"Yeah why!?..."

Balik ko naman dito at nilingon si Earnest na nasa gilid ko na kasabay na naglalakad palabas ng building.

"I just want to ask you to have dinner with me cos mag isa lang ako sa bahay, mga katulong nalang din kasi kasama ko... bumalik na kasi sila mama sa California yesterday..."

Pagyaya nito at pag papaliwanag.

"Sige ba basta masarap ang pagkain eh why not..."

Pag sang-ayon ko sa alok nito na sinabayan pa ng pacute na ngiti para maka iwas nadin na makita si Aaron sa bahay dahil alam kong aawayin nanaman ako nun pag uwi ko kaya napag pasyahan ko na mag palate nadin ng uwi para tulog na ito pag dating ko sa bahay.

"Dont worry you wont regret sa pagsama sakin... magaling yata akong mag luto..."

Pagmamayabang naman nito na balik at nagka sabayan pa kami sa pagtawa.



Hindi ko naiwasan na hindi maalala ang bahay namin sa Davao dahil sa pagkakaruon ng Spanish ambience ng bahay nito pagkatapos ipasok ng driver ni Earnest ang sasakyan sa luob ng bakuran, hindi na nakakagulat ang ganitong tanawin para sakin dahil ilang mansion narin naman ang nakita ko sa tuwing may dadaluhan ang pamilya namin na pagtitipon. Kapansin-pansin ang napaka laking family portrait na nabubungaran pagpasok ng pinto na nasa pagitan ng magkabilaang stair case na may kataasan.

"I'll go up to change... just wait me at the living room and if you need something dont hesitate to call the orderly... OK!..."

Basag nito sa pag iisip ko at sinundan ko naman ng pagtango tanda ng pagsang-ayon bago ito tuluyang pumanhik sa taas. nang nasa living room na ako may biglang lumapit sakin na isang may edad na babae na naka uniform na sapalagay ko isa ito sa orderly

"Qué puedo servir a usted, señor?..."

Tanong nito na ibig sabihin naman ay "Ano pong maipag sisilbi ko Sir?" at sinundan pa ng paghagod ng tingin sakin na tila ba kinikilatis ako ng husto at sabay na pagtaas ng kilay pagkatapos ng ginawa.

"Just give me a glass of water please..."

Balik ko sa matanda na sinundan ng ngiti, batid kong nagulat ito dahil sa malamang hindi nito inaasahan na naiintindihan ko ang kanyang sinabi, agad naman na tumalima ang matandang katulong pagkarinig ng sinabi ko at ilang saglit lang at bumalik na ito na dala ang isang tray at duon nakalagay ang hiningi kong baso ng tubig at sinamahan pa nito ng slice of chocolate cake na may naka budbod na peanuts sa ibabaw.

"Sana magustuhan mo yan Sir..."

Sabi ng matanda pagkatapos mailapag ang dala-dala nito sa center table at sinundan ng ngiti at mga tingin na tila may sinasabi.

"Marunong naman pala mag tagalog may pa spanish spanish pa..."

Sabi ko sa isip bago ako nagpasalamat sa matanda at bumalik ang matanda sa kusina pagkatapos kong mag pasalamat at ilang saglit lang bumaba narin si Earnest galing sa kanyang kwarto at nakapag bihis na ito, suot ang may pagka fitted na white wash v-neck na shirt na nagawang palutangin ang maypagka maumbok nito na dibdib na bumagay naman sa murenong kulay nito at tinernuhan ng may kanipisan na summer pants na white wash din ang kulay na nakakailang tingnan dahil halos naaaninag ko na ang itim na brief nito at hindi rin naikubli ng manipis na suot nito ang nakaumbok na parte. Halos mapalunok ako ng sariling laway sa tanawin na natutunghayan sa aking harapan bago ko ito narinig na nag salita

"Bat hindi mo pa ginagalaw yang cake?..."

Tanong nito ng maka lapit sakin at umupo sa kaharap kong couch at sinundan ng makahulugang ngiti na tila ba alam ang nasa isip ko.

"Ahh.. ehhh... busog pa ako,. Actually hindi ako mahilig sa chocolate cake..."

Pautal-utal na balik ko ng makabawe sa pagkakatitig ko dito at pagsisinungaling dahil ang totoo mahilig talaga ako dito hindi ko lang makain ito dahil may allergy ako sa peanuts, batid kong naniwala naman si Earnest sa alibi ko.

"OK then lets go to the kitchen na? para masimulan ko narin ang pagtuturo sayong mag luto..."

"Sige para maka kain nadin tayo gutom na kasi ako eh..."

Pagyaya nito sakin na pumunta na sa kusina na agad ko namang sinangayunan at saka ko din naalala ang pinag usapan namin sa sasakyan nito habang papunta palang kami sa bahay nito,. Nagpasya akong magpaturo ditong mag luto at pumayag naman si Earnest para hindi ko nadin kaylanganing mag kunwari kay Aaron na ako ang nag luluto ng almusal nito tuwing umaga kahit ang tutuo naman ay binibili ko lang ang mga iyon sa kabilang kanto ng bahay namin.

Naging madali at mabilis naman ang pagtuturo nito sakin, mga simpleng putahe lang muna ang itinuro nito para mas madali kong matutunan at sa tutuo lang ang galing din naman talaga mag luto ni Earnest at hindi ko maiwasan na hindi humanga dito dahil rare ang mga lalakeng may talent pagdating sa pagluluto. Pagkatapos namin mag dinner nag stay kami sa pool side na over looking sa living room nila bitbit ang isang bote ng Dom Perignon and two wineglass at some strawberry short cake na naka patong sa tray.

"Umiinom kaba ng champagne?..."

Tanong nito pagka upo naming dalawa sa gilid ng pool.

"Hindi ko pa nasubukan yan alam mo namang mahirap lang ako kaya I cant afford para bumili ng ganyang mamahaling alak..."

Pagmamaang-maangan ko habang sinisimulang ikampay-kampay ng bahagya ang binti na naka lublob sa tubig ng pool.

"Eh pano mo nalaman na mahal to kung hindi mo pa nasusubukan?..."

Tanong nito na mababakasan ang pag tataka.

"Aahh... Eehhh... Sa pangalan kasi ng brand mukhang mamahalin na..."

Pautal-utal na balik ko dito na sinundan pa ng regular na fake na ngiti.

"Ah OK..."

Pag sangayon naman nito sa sagot ko sa kanya na nag dulot naman sakin na makaramdam ng pagka konsensya dahil pati ito hindi naka takas sa pagsisinungaling ko.

Sinimulan na naming inumin ang champagne habang patuloy parin sa pag uusap, hindi ko maiwasan na hindi mapatitig dito at maisip na napaka laking kaibahan nito kay Aaron.

"Napaka perpekto naman ng lalaking toh..."

Paghanga ko dito sa isip, sabagay halos perpekto na talaga ito dahil bukod sa mayaman napaka talented pa nito at hindi rin maitatangging may itsura ito and sobrang bait pa halos kabaliktaran sya ni Aaron pagdating sa ugali.

"May strawberry ka sa lips mo oh..."

Sabi nito habang nasa kalagitnaan ako ng pag iisip na maagap na pinahid ang kapiraso ng strawberry na dumikit sa labi ko na nagpabasag naman sa pag iisip ko at napansin nalang ang sarili na nakatitig na ako sa kanya habang naka lapat parin ang daliri nito na sinabayan pa ng pag titig din sakin,. Kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko sa mga sandali na naka lapat ang daliri nito sa labi ko, init na unti-unting gumagapang sa sistema at hindi ko alam kung ipekto lang ito ng champagne na iniinom namin pero imposible dahil konte palang naman ang naiinom ko hanggang sa namalayan ko nalang na unti-unti ng lumalapit ang mukha nito at ilang sandali pa "Uuummmgggttt..." kasabay ng pag lunok ng sariling laway ang paglapat ng labi ni Earnest, sobrang bilis ng mga nangyayari at halos hindi parin rumirihistro sa utak ko ang mga ito at nanatili ang mga mata ko na dilat habang unti-unting inaangkin ni Earnest ang labi ko masyado akong nabibigla sa ginagawa nito kaya hindi ko alam kung paano tutugunin, unti-unti ng gumagapang ang kamay nito sa katawan ko habang patuloy parin ang pag angkin sa labi ko ngunit nanatili parin akong walang reaksyon sa mga nangyayare hanggang sa kumalas ito sa pagkakahalik sakin at tumitig sa mga mata ko.

"I miss you so much please comeback to me..."

Pahayag nito habang nakatitig sa mga mata ko na halos nag susumamo ang tinig at mababakasan ang unti-unting namumuong luha sa gilid ng mga mata.

"Pero sino ang tinutukoy nito?... Imposible namang ako, marahil ay boyfriend nya and for sure lasing na si Earnest dahil mas marami ang nainom nya kumpara sakin..."

Sabi ko saking isip at akmang tatayo na ako upang tawagin ang katulong para maalalayan si Earnest sa kanyang kwarto para makapag pahinga na, hindi pa ako ganap na nakaka tayo ng maramdaman ko ang pag haltak ni Earnest sa kamay ko na nag gawa sakin upang mawala sa pagkaka balanse at nag dulot saming dalawa na mahulog sa pool, gumapang agad sa aking katawan ang lamig na dulot ng tubig ngunit hindi iyon ang naging dahilan para mawala ako sa pag iisip at maalarma, hindi ko pa nakitang umangat si Earnest mula sa pagkakalubog sa tubig kaya kinabahan ako lumubog akong muli para hagilapin ito sa ilalim ngunit hindi ko ito ganong maaninag dahil iilang ilaw lang naman ang naka bukas sa pool naramdaman ko nalang ang isang braso na humapit sa aking bewang at nagdulot upang mapalapat ang aking likod sa katawan ng nagmamayari ng brasong naka hawak sakin at nabatid kong si Earnest pala ang naka hawak sakin ng lingunin ko ito.Tila nag laho lahat ang lamig na nararamdaman dulot ng tubig at unti-unting napapalitan ng init na binabahagi ng kanyang katawan, init na unti-unting gumagapang sa buo kong katawan at halos madama ko nadin ang pagkakadikit ng naka umbok na parte nito na kinukubli ng panluob na bahagyang bumubundol-bundol sa aking pwetan sa twing kinakampay nito ang binte sa ilalim ng tubig ngunit hindi ito ang tamang panahon para sa gantong bagay dahil kinakapos na ako ng hangin at ang mas higit kong inaalala ay si Earnest dahil nakainom ito kaya pinilit kong maiangat ang sarili sa ibabaw ng tubig at pasalamat nalang dahil hindi kalaliman ang kinabagsakan namin maagap kong inalalayan si Earnest upang maka sampa dahil alam kong lasing na ito. Tinawag ko ang katulong para matulungan akong alalayan si Earnest at mabilis naman lumapit ang matandang katulong sakin na nag silbi kanina.



"Ako nang bahala kay Earnest Sir... Oh eto mag bihis kana muna baka magka sakit ka nyan"

Salita ng katulong pagka pasok namin sa kwarto ni Earnest at kasunod na inabot ang pares ng damit at pants na may kasamang under wear.

"Nathan nalang po wag nyo po akong tawaging Sir mahirap lang po kasi ako and salamat po pala dito sa mga damit ha..."

Magalang na balik at pasasalamat ko naman sa matandang katulong.

"Wala iyon... Hala sige pumunta kana sa cr para makapag bihis kana..."

Mabilis ko namang tinungo ang cr para makapag palit na ng damit dahil sa totoo lang nilalamig nadin kasi talaga ako hindi ko narin pinagkaabalahang isipin ang mga iksenang nangyare sa amin ni Earnest habang nasa pool dahil alam kong lasing lang ito ngunit hindi ko maitatangging may kakaibang pakiramdam na idinulot sa akin ang tagpong iyon lalo na nung mapadikit ang maumbok na parte ni Earnest sa aking pwetan na sa malamang ay may kalakihan dahil hindi paman ito galit ay umbok na umbok na.

Inaasikaso padin ng matanda si Earnest pagka labas ko ng cr kitang kita ko kung pano nito asikasuhin ng maige si Earnest at pumasok sa isip ko na marahil ito na ang nag alaga kay Earnest simula pagka bata.

"Mauna na po ako late na din po kasi..."

Salita ko dito na nag gawa sa matanda upang lingunin ako.

"Sige mag ingat ka sa pag uwi ha..."

Baling ng matanda.

"Salamat po ulit?..."

"Ahh... tawagin mo nalang akong nanay Edith yan din kasi tawag sakin ng alaga kong ito... Nasabihan ko na din yung driver na ihatid ka mahirap kasing sumakay pag gantong oras..."

Pagpapakilala ng matanda at pagmamagandang luob nito. Nawala na din ang pag aakala ko na masungit ito dahil sa inasta nito nung una pero sa totoo pala ay mabait ito at sobrang maasikaso.

"Ahh Sige po nanay Edith salamat po ulit..."

Sabi ko dito bago ako lumabas na ng pinto ng kwarto ni Earnest.


Pasado 11:00 na pala ng maka uwi ako, binuksan ko ang ilaw sa sala pagka pasok ko ng bahay at laking gulat ko ng makita kong naka upo si Aaron sa couch na tila ba matyaga itong nag antay sakin at bakas na bakas ang galit sa mukha nito, ang mga tingin nito na kulang nalang ay magka optic blast para tirahin ako at lamunin ako ng buhay sa sobrang galit.

"Gising ka pa pala..."

Bungad ko dito at sinundan ng naaasiwang ngiti at halos hindi ko magawang tumingin dito ng diretso.

"Saan kaba galing ha at bakit ngayon kalang?..."

Balik na tanong nito na nasa galit na tono ngunit hindi ko nagawang sumagot dahil hindi ko naman masabi na umiiwas ako dito kaya nagpalate ako ng uwi.

"Oh bat hindi ka maka sagot ha san kayo pumunta ng Earnest nayun?..."

Sumisigaw na ito habang hawak-hawak na ng mahigpit ang kanang braso ko ngunit ang labis ko na pinag takhan kung paano nito nalaman na kasama ko si Earnest.

"Ano bang sinasabi mo hindi ko kasama si Earnest..."

Pagmamaang-maangan ko paraan narin para malaman ko kung pano nito nalaman na magkasama kami ni Earnest o baka hinuhuli lang ako nito.

"Sinungaling... Nakita ko kayong magkasamang lumabas ng school, inantay kita sa labas dahil ang gusto ko sabay na tayong umuwi at sinabihan na kita diba na sa akin kana sasabay uuwi pero sa kanya kaparin sumama..."

Patuloy na pag sigaw nito sa akin na tila hindi alintana ang mga kapitbahay na natutulog na ng mga sandaling iyon at saka ko nalaman na naka inom ito dahil naamoy ko ang alak sa hininga nito. Nag sisimula na akong maka dama ng takot dahil sa inaasal nito at lalo pang humihigpit ang pagkaka hawak nito sa braso ko, hindi ko akalain na ganito pala ito kung magalit tila walang sasantuhin kahit ako ni hindi ko din magawang pumiglas dahil dihamak na mas malaki sya sa akin.

"Get off me Aaron nasasaktan ako..."

Salita ko dito sa unti-unting nababasag na tinig dala ng takot na nararamdaman.

Ngunit imbis na bumitaw si Aaron hinila nito ang braso ko na kanina niyang hawak at nag dulot sa akin upang mapasandal sa dibdib nito at sinundan ng mahigpit na pag yakap.

"Wag mo akong iiwan Nathan... Akin kalang..."

Sabi nito na nagsisimula naring nababasag ang tinig at dama ko ang pag tulo ng luha nito na pumapatak sa balikat ko, hindi ko talaga maintindihan ang inaasal nito dahil kamakaylan lang gustong gusto na akong paalisin nito sa kadahilanang galit nga ito sa bakla pero tila nag bago ang lahat ng iyon sa mga sandaling ito.

"Hindi kaya may problema ito kaya sya umaasta ng ganito ngayon?..."

Tanong ko sa isip at gumanti narin ng yakap sa kanya at sinisimulan ng haplusin ang likod nito upang pakalmahin.

"Kumain kana ba?..."

Basag ko sa katahimikang namamagitan habang magka yakap kaming dalawa.

"Hindi pa nagugutom na nga ako eh..."

Sagot nito sa tanong ko habang nananatili paring naka akap.

"Sira ulo ka talaga nag lasing ka tapos hindi kapa pala nag dinner..."

Paangil ko na tugon at biglang pag bitaw sa pagkakayakap sa kanya ngunit nanatili parin syang naka akap ng mahigpit bago ko narinig ang sabi nito.

"Manatili muna tayong ganto ang sarap kasi sa pakiramdam na kaakap ka..."





Itutuloy…