About Me

My photo
"hmm... What can I say about my self... You can call me Philippines Prince,. Haha... I really love swimming & amp... chatting. :D I made this site for me to be able to express my feelings to other and of course to share all the thought that I have in my mind, I love funny person, I love taking pictures of myself, I'm not snob people who's sending me comments and messages. hmmm... I entertain them. hahaha... :)) I jump and run around like crazy,. if I'm excited about something :P .. I'm a very kind person but always importunate and full of energy :P .. I'm one of those people that always with good intentions but don't know how to express themselves :S ..specially when it come's to my crush I'm a very shy person & loyal of course, even if it comes to something that might kill me, when it comes to my friends ill do anything no matter what it costs & amp; uhm... about my personal life. Ask me about it. LOL ;)

Thursday, April 12, 2012

Poor Prince (Nathaniel) Chapter 10



Pasalamat nalang ako na kahit unit-unti ng tinutunaw ng takot ang kakapiranggot kong utak nagawa parin nitong makapag isip ng posibleng maidadahilan.

“Oohhhf course I must know everything,. Coooos I’m a scholar remember? It is required for a scholar like me to know what kind of world meron ang mayayaman na katulad nyo!...”

Pautal-utal kong sagot na tila ba hindi na ako huminga masabi lang ang aking tugon kasunod ng fake na ngiti at hindi direktang pag tingin dito.

“Sorry for doubting you!,. I just can’t help my self wanting to know more about you Nathan… I’m really sorry…”

Paghingi ng paumanhin nito na halatang halata ang sensiridad na nagdulot naman sa akin ng labis na pagka konsensya.

“I know this is a bit sounds crazy, it just feels like I met you before…”

Patuloy pa nito.

“What are you trying to imply?...”

Pagtatakang balik ko na tanong.

“You really so familiar to me… You look one of my classmate way back when I was studying in Otago University sa New Zealand but I know its impossible…”

Nagulat ako pagkasabi nito na nag aral sya sa university nayun dahil I’m starting to have a life in New Zealand after kong layasan sila mama nung nag bakasyon kame sa father side ko sa Spain, a few weeks later after kong makapag enroll sa Otago University I got a call from my mom na I need to go home sa pilipinas dahil may sakit si dad and he keep asking my mom na pauwiin ako kaya wala ding nagawa ang pagmamatigas ko dahil napilitan din akong umuwi alang-alang sa aking ama ngunit pag uwi ko nagulat ako dahil hindi naman pala totoong may sakit si dad, dinahilan lang nila yun para mapilitan akong umuwi ng pilipinas at ilang linggo ko ding dinamdam ang nangyare.

Ngunit hindi ito ang labis na gumugulo sa aking isipan, ang labis na nagpapagulo sa akin ay ang katotohanang posible ngang nag kita na kame ni Earnest noon, hindi ko lang siya gaanong maalala dahil hindi naman ako nag tagal sa university nayon, isa lang ang naaalala kong tao na nameet ko sa New Zealand the lonely guy that I met sa Beach Haven nung unang dating ko sa Dunedin but unluckily I can’t remember his face and I didn’t even manage to know his name.

Nasa ganito akong kalalim na pag-iisip nang marinig ko nalamang ang boses ni Earnest na nagtatanong na nag basag sa aking mahaba-habang katahimikan.

“Is there something wrong Nathan?... I’m so sorry if I said something na hindi mo nagustuhan”

“Wala yun… Ano ka bah naiintindihan naman kita eh!... Tara na baka malate na tayo sa next subject natin…”

Ang simpling tugon ko nalamang dito upang hindi narin humaba pa ang usapan kahit nananatili padin ang takot na aking nararamdaman, takot na ano mang sandali maaaring malaman ni Earnest ang tunay kong katauhan lalo na’t hindi malabong mangyari yun pag nagpatuloy pa ang kanyang pagdududa.



Natapos na ang klase namin sa buong maghapon ng hindi manlang din ako nakatanggap ng pag pansin kay Aaron hanggang mag bell hudyat ng oras na para umuwi.

“Nathan gusto mo sabay na tayo umuwi?...”

Ang narinig kong paanyaya mula kay Earnest pagtayo ko palang ng upuan para tunguhin si Aaron na sinundan pa nito ng paglapat ng palad nya sa aking balikat mula sa likuran na nagawa sa akin para mapahinto.

“As much as I love too Earnest pero may dadaanan pa kasi ako eh…”

Pagdadahilan ko nalang after kong maalala ang sinabi ni Aaron na “Simula ngayon ha sakin kana sasabay” dagdagan pa ng pag iwas upang hindi na maulit ang insidenteng pagtatanong nito tungkol sa aking katauhan.

“Are you sure?, . Pwede kitang ihatid sa pupuntahan mo if you want, besides nariyan naman si manong, yung driver ko para mag drive satin…”

Patuloy parin nito na pang aalok.

“Pasensya na talaga Earnest ha pero wag na talaga, masyado na rin kasing nakakahiya sayo”

Ang tugon ko nalang na sinundan ng pagtalikod at nag lakad papalabas ng room upang habulin ang naunang lumabas na si Aaron.

Alam kong naiwang upset si Earnest na nag dulot sa akin ng pagkaawa sa nabanggit na lalake.



Agad akong nag tungo sa parking lot ng school pagkatapos kong makuha ang mga lunch box na iniwan ko sa locker ko pero hindi ko na matagpuan ang motor ni Aaron sa parking lot.

“Pag tinamaan ka nga naman ng malas oh!... Ang lakas ng luob na magsabe na sa kanya na ako sasabay pero eto ako ngayon iniwanan ng loko…”

Pagmamaktol ko sa sarili kasabay ng pag sipa sa latang nakita ko sa aking harapan dala ng aking pagkaasar, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito, dahil ba sa pag aasam kong isasabay talaga ako ni Aaron sa pag uwi o dahil sa pagtanggi ko sa alok ni Earnest.

“Ano tapos naba kayo mag usap ng Prince Charming mo?...”

Ang narinig kong tinig mula sa likod na walang dudang boses ni Aaron. Hindi nga ako nagkamali sya nga ang nag mamayari ng tinig pagka harap ko dito, kababakasan padin ng pagka bugnot dahil sa pagsasalubong ng mga kilay nito.

“Saan kaba pumunta kala ko naman iniwan mo na ako?...”

Ang tanong ko nalamang dito at sinundan ng paglapit sa kanya, hindi ko mawari ang aking nararamdaman dahil bigla akong nakaramdam ng saya pagka kita sa kanya at hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kadahilanang kahit hindi maganda ang mood nya hindi parin nawawala ang kagwapuhan nito ( “OMG! Humahanga na nga talaga ako sa kumag nato…” )

“Oh… Bat naka tanga ka pa dyan halika na andun sa kabila nakaparada yung motor ko, nilipat ko kanina dahil pinaalis ako nung guard, may kotse daw na naka pwesto dun sa pinag paradahan ko kanina ng motor…”

Ang sinabe nalamang nito kasabay ng paglakad upang tunguhin ang sasakyang nabanggit, wala narin naman na akong nagawa kundi ang sundan ito at dikitan ito sa gilid at bahagyang kumakapit sa braso na tila ba magkasintahan.

“Ano ba yang ginagawa mo… Umayos ka nga para kang tanga mamaya isipin ng mga makakakita satin kasintahan kita eh…”

Ang pananaway nito sa ginagawa ko kasabay ng pag alis ng nakakapit kong kamay sa braso nito, dala narin nang ugali kong mahilig mang asar ipinag patuloy ko padin ang pag kapit sa braso nya na tila ba walang naririnig at sinusundan pa ng pag hagikgik sa kadahilanang alam ko na naaasar na sya dahil lalong nag salubong ang may bahagyang kakapalan nyang kilay na lalo namang kinatuwa ko.

“Eto naman minsan na nga lang mag lambing eh…”

Ang sinabe ko dito na pinalandi ang boses at patuloy padin sa pagkunyapit sa mga braso nito habang naglalakad na sinabayan pa ng pag hilig ng bahagya ng aking ulo sa balikat nya na tila ba isang babae na naglalambing sa kanyang boyfriend. Hindi naman nakatakas sa aking paningin ang pamumula ng kanyang mga pisngi dala narin siguro ng hiyang nararamdaman dahil sa aking ginagawa.

“Ano kaba umayos ka nga Nathan napapahiya na ako pinag titinginan na tayo oh!...”

Ang pananaway nito na bahagya akong itinulak at nag bigay ng distansya sa aming dalawa at duon ko nalang din napansin na maraming mata narin nga ang nakatingin sa amin pero lingid sa akin na may isang nakatingin sa amin mula sa likuran na labis na nasasaktan. Pero imbes na mahiya lalo ko pa syang inasar.

“Ano kaba naman honey minsan na nga lang ako mag lambing sayo tapos ganyan kapa…”

Ang balik na pangaasar ko dito na lalo pang nag pamula ng kanyang pisngi at halos hindi na makatingin sa akin ng diretso, wala siyang nagawa kundi ang sumampa nalang sa kanyang mutor at sinimulang paganahin ang makina nito.

“Pag hindi ka pa tumigil dyan iiwanan na talaga kita…”

Ang sabi nito na nasa himig na napipikon na.

“Eto naman hindi mabiro…”

Ang tugon ko nalang at sumampa narin sa likuran ng mutor, hindi ko mapigilang hindi mapangising aso dahil sa tuwa na siya ang napikon sa mga sandaling ito dahil kalimitan ako ang naaasar sa mga pinag gagagawa nito sa akin na pangaasar.



Kasalukuyan kong ninanamnam ang mga sandaling nakayapos ako sa likuran ni Aaron habang naandar ang mutor nang mag vibrate ang cell phone ko sa bulsa hudyat na may pumasok na message, maingat kong kinuha ang cell phone ko sa aking bulsa at saka tiningnan kung sino ang nag text.

Cómo está mi hijo?...”

Eto ang bumungad sa akin nung nabuksan ko na ang unread message sa aking cell phone How are you my son?...” na kahit hindi naka register ang number sa aking cell phone batid kong galing ito sa aking ina dahil kabisado ko din ang number nito pati narin sa aking mga kapatid at sa aking papa, napag bilinan ko din kasi si mama na imbes na tumawag nalang itext nalang ako kung sakaling may kailangang sabihin sa kadahilanan na din na maingatan ang aking sikreto na agad namang sinang ayunan ni mama even though na hindi siya sanay sa pagtitext cos she preferred to call. Hindi ko naman magawang makapag reply dahil nagkataong wala akong load, hindi naman kasi naka line ang number na gamit ko hindi tulad ng cell phone na gamit ko sa Davao.

I’m here at Duset with your kuya Nerie… Drop by here if you have time, we really want see you Nathaniel…”

Ang kasunod pa na text na nareceive ko galing kay mama. Kailangan Kong mag punta duon kahit na ayoko dahil andun si kuya Nerie, batid ko kasing sermon lang ang aabutin ko dito dahil ilang buwan na ang nilagi ko sa Cebu pero hindi ko manlang nagawang mag paramdam dito, wala naman kasing mangyayare din kong patuloy ko siyang tatakasan besides andun naman si mama para iconsole ako kung sakaling sermunan ako nito.



Pagkahintong-pagkahinto palang ng mutor sa tapat ng tinutuluyan namin ni Aaron agad-agad akong bumaba at nag paalam sa kanya.

“Aaron bumili ka nalang muna ng lutong ulam para sa dinner mo dahil may pupuntahan ako…”

Ang agad Kong sabe pagka pasok palang ng bahay.

“Ano at saan kan naman pupunta ha?...”

Ang tanong nito na nasa tono ng pagtataka na hindi ko na gaanong inintindi dahil dumiretso na ako sa kwarto para makapag bihis. Hindi ko namalayan na nasa pinto na pala ng silid si Aaron at taimtim na pinapanuod ako habang isinusuot palang ang pang itaas.

“Mukhang makikipag date ka ah…”

Ang sabi nito na nag gawa sakin upang mapaharap na di alintana na wala pa pala akong pantalon.

“I don’t know if I can call it a date but I’m going to meet an important person…”

Ang simpleng tugon ko nalang at kasunod na isinuot ang pantalon.

“Gusto mo sumabay kana sakin?... May lakad din kasi ako…”

Pang aalok nito na wala sa aking hinagap.

“Wag na baka maabala kapa…”

Balik ko dito at bahagyang tinanaw ang sarili sa wall mirror na nasa gilid ng side table at nang makuntento na sa aking nakikita saka ako lumabas ng kwarto at nilagpasan lamang si Aaron.

“Makikipag date ka sa Prince Charming mo ano?...”

Ang tanong nito na sinabayan na ng pagsasalubong ng kilay.


“Wag ka ngang praning… Hindi noh… She’s  just an old friend of mine from Davao…”

“Andito daw kasi siya sa Cebu ngayon kaya I’m grabbing the chance to meet her…”

“Masyado ka namang siloso…”

Ang tuloy-tuloy Kong sagot na hinaluan na ng pagsisinungaling at pangaasar na may ngising aso, hindi naman nakaligtas sa aking paningin ang pamumula ng pisngi nito ng sulyapan ko siya.

“Selos ka dyan… Nag aalala lang ako lalo nat hindi mo pa gaanong kabisado itong Cebu…”

“Tatanga-tanga ka pa naman kung minsan…”

Ang balik nito na hindi ko alam kung ikaaasar ko ba o ikatutuwa.

“Aba at kaylan pa nag alala sakin ang isang Aaron Salazar?...”

Ang mabilis na tugon ko naman na sinundan na ng pagtaas ng kilay.

“Umalis kana nga bago mag bago ang isip ko at baka hindi pa kita paalisin dyan…”

Ang dagliang pagtataboy nito na kakakitaan na ng halos pamumula ng pisngi at paiwas na tingin sa akin. Agad ko namang sinangayunan dahil baka magbago pa nga ang isip nito at ipagawa sakin na linisin ang buong bahay bago ako umalis at maaaring hindi ko na magawang mameet si mama pag nagkataon.



Ganap na madilim na ng makarating ako sa Duset, agad Kong tinumbok ang 26th floor pagkapasok ko palang ng gusali upang tunguhin ang Fiesta San Miguel dahil naitext naman na ni mama ang ditalye kung nasaang room sila ni kuya Nerie. Bumungad naman sa akin muli ang receptionist na nag entertain sa amin ni kuya Art nuong pumunta kame dito. (“Kamusta na kaya si kuya Art?...”) ang biglaang tanong na sumagi sa isip ko at hindi ko narin namalayan na may sinasabe na pala ang receptionist na nasa counter.

Excuse me boy but minor is not allowed here…”

Ang sabi nito na tila nanlilibak at sinipat ako mula ulo hanggang paa na sinabayan pa ng pagtaas ng kilay na tila ba naghahamon ng away.

“Oohhh… Sorry I’m already in legal age to be in such place like this miss… If you wish I can show you my Identification Card for you to confirm how old I’am…”

Ang magalang ko nalang na balik kahit medyo naiirita na ako sa naging pakikitungo nito sa akin.

“Even if you are… Do you think you’re capable enough to afford what we offer here?...”

Ang mas nakakairitang balik nito na nag gawa sa akin upang makaramdam ng tila panunuyo ng dugo sa buong katawan na nag bigay daan din upang mapansin ako ng ibang tao na naruon at mamuo ang mahinang kumusyon na tila ba nilalait ako, ngunit pinanatili ko pading maging mahinahon upang hindi na lumaki ang issue. Buti nalang at nakapag load ako bago dumiretso sa Duset, tinawagan ko kaagad si mama at pinakiusapang tunguhin ako agad sa reception area, ilang menuto lang at dumating nga ang walang pagbabagong pabulosa kong ina at agad akong lumapit dito para yakapin dala narin siguro ng prostration sa nangyare at labis na pangungulila sa kanya.

“Oh hijo bat hindi ka pumasok sa luob?... Sinabe ko naman na sayo kung nasaang room kame ng kuya Nerie mo…”

Ang tanong ng aking ina na nakaakap nadin sa akin at bahagyang hinahaplos ang aking pisngi.

There’s something wrong happen between me and our receptionist mom but lets talk about that inside…”

Ang pagyaya ko sa aking ina at naiwan ang mga ilang matang nakatuon sa amin na may halong pagtataka lalong-lalo na ang receptionist at kasunod na tinungo namen ang office ni kuya Nerie, pag pasok ko palang ng silid nakita ko na si kuya Nerie na naka upo sa isang Avery Boardman couch na napapagitnaan ng dalawa pang couch habang sumisimsim ng kopita ng 62 Year Old Dalmore na naka patong sa crystal glass center table at kapansin-pansin din ang pagkakaruon ng white grand piano sa office ni kuya, halos hindi mo nga ito maiisip na office dahil sa laki nito at pagkakaruon ng isang kwarto na ginagamit ni kuya pag hindi na nagagawang umuwi ng condo nya dahil sa dame ng inaasikaso nito,meron ding 8 feet tall na aquarium kung saan nagsisilbing partition sa pagitan ng working area nito at ng kinauupuan nito ngayon.

“Lo que le pasó a tu sentido de la moda mi querido hermanito?...”

Ang tinig na narinig ko mula dito pagkakita sa akin.




Itutuloy…

Tuesday, December 13, 2011

Poor Prince (Nathaniel) Chapter 9


"Manatili muna tayong ganto ang sarap kasi sa pakiramdam na kaakap ka..."

Ito ang mga salitang narinig ko na nanggaling sa bibig ni Aaron habang nananatili paring naka akap sakin. Mga simpleng salita pero makahulugan para sakin, mga salitang masarap sa pandinig at pakiramdam na tila ba hindi ko pagsasawaang marinig nang paulit-ulit at mga salitang nag dulot ng kakaibang takot takot na hindi ko mawari, kung para saan man diyos lang ang nakakaalam.



Mga ilang buwan na ang lumipas pagkatapos ng gabing iyon at simula nun napaka laking pagbabago din ang naganap sa pamamaraan ng pakikitungo sakin ni Aaron, tila nag laho na ang Aaron na bugnutin na nakilala ko at napalitan ng palangiti at friendly na Aaron. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pagbabagong iyon pero kung ano man yun hindi na mahalaga para sakin dahil masaya ako kong ano man ang nakikita ko sa kanya ngayon.

Nasa ganto akong kalalim na pag iisip habang naka tingin sa gawi ng kinauupuan ni Aaron na sinasabayan ng pag ngiti ng marinig kong mag salita ang may kapayatang babae na pag hindi mo sya kilala ay mapagkakamalan mong si Olive Oil na girlfriend ni Popey na naging professor namin sa Royal Ethics na si Ms.Mendez.

"Those students na under ng scholarship program ng academy mag handa na kayo dahil kayo ang mag sisilbing tagapangalaga ng mga kabayo na idideliver this week na gagamitin para sa horse back riding lesson natin bago matapos ang semester na ito..."

Pagkatapos banggitin ng professor namin ang mga salitang binitiwan sinundan ito ng manakanakang ingay na nanggaling sa mga kaklase ko, ang iba ay natutuwa at halatang nananabik at ang iba naman ay halata ang pagka dismaya dahil batid nila kung ano ang posisyon nila sa academy na pinaliligiran ng mga mayayamang istudyanteng walang magawa sa pera na nanggaling sa ibat ibang prominenteng pamilya, saka sumagi sa isip ko ang hindi pantay na pag trato sa mga istudyante. Pumapayag ang Prince Academy na magkaroon ng pagkakataon ang isang commoner na makapag aral sa ganitong klaseng paaralan at magkaroon ng mataas na antas ng edukasyon ngunit sa likod nito hindi naman talaga ganon kaganda ang pangakong binitiwan para sa mga scholar, kya lang naman nagkaruon ng ganitong opportunity upang magkaruon ng mga laruan at katulong ang mga mayayamang estudyante habang nag sasayang ng pera at oras sa paaralan.

Nakakalungkot man isipin ngunit ito ang natuklasan ko sa mundo sa pagitan ng mahirap at mayaman.

"Oy! bat ka naka simangot?..."

Basag ni Aaron sa pag iisip ko at naupo sa tagilirang upuan sa aking kaliwa.

"Wala... nagugutom na kasi ako..."

Pag aalibi ko sa kanya at sinundan ng pilit na ngiti.

"Edi tara na para maka kain na tayo nagugutom nadin ako eh..."

Pagyayaya naman nito at agad na sinundan ng pag hawak sa kamay ko upang alalayang maka tayo at hindi alintana ang mga matang naka masid.habang tinutumbok namin ang daan papuntang cafeteria.



"Aaron dito kana maupo..."

Tawag ni Mico kay Aaron na hindi masukat ang sobrang luwang na pagkakangiti habang ikinakaway ng bahagya ang kamay pagka pasok namin ng cafeteria na nilingon naman agad nito pagka rinig ng boses kasunod ng pag tumbok sa lamesang naka pwesto sa bandang sulok  na kinauupuan nina Mico at ng dalawa pa nyang "close friends kono..." at wala akong nagawa kundi magpatianod sa kasama kahit dama ko na may hindi magandang mangyayare dahil nuon paman hindi na talaga magaan ang luob ko kay Mico at batid kong ganun din naman siya sakin.

"So anong gusto mong kainin for today  Nathan?... Don't worry my treat cos I know naman na you can't afford yung mga pagkain na sineserve dito..."

Baling sakin ni Mico pagkatapos naming maka upo at sinundan pa ng pag halakhak ng dalawang ungas na kasama nitong humpy dumpy.

Dahil sa pagka dismaya ko sa inasal nito hindi ko naiwasan na makaramdam ng galit na agad ko namang napigilan para hindi nadin makaagaw ng atensyon sa ibang .mga kumakakaing estudyante ng mga sandaling iyon.

"Aaron I think I should go besides ikaw lang naman ang inalok nila eh..."

Salita ko kay Aaron at sinundan ng agad na pag tayo ngunit nagulat ako ng tumayo din si Aaron na akala ko ay magpapaiwan at nag salita.

"Sa susunod na bastusin nyo pa si Nathan mananagot kayo sakin and you Mico dont bother to talk to me again nangangalingasaw ang lansa mo..."

Tiim bagang na bulalas nito at bakas ang galit sa mga mata habang naka harap sa tatlo na sinundan ng pag hila sa kamay ko upang ilayo sa kanila at humanap ng ibang lamesang mapepwestuhan.

Pumanhik kami sa 2nd floor ng cafeteria at ng makakita ng lamesang bakante agad naming inukupa, pumuwesto kami malapit sa balcony kung saan tanaw ang garden na humahati sa ground ng college students at high school students ng Academy.

"OK ka lang ba Nathan?..."

Basag na tanong nito sa pananahimik ko pagkatapos naming maka upo at pagkatapos kong ilabas galing sa bag ang lunch box na dala ko para saming dalawa. Nakaugalian ko na kasing mag baon nalang para sa aming dalawa ng pagkain para hindi na namin kaylanganing bumili sa cafeteria.

"Yeah I'm fine... Ikaw nga ang inaalala ko kasi mas mukhang galit kapa kesa sakin dahil dun sa mga yun..."

Balik ko dito habang pinag mamasdan ang gwapong mukha nito na kababakasan padin ng galit dahil sa nangyari, "Teka nga muna humahanga naba ako kay Aaron para magwapuhan ako sa kanya!!!..." hindi ko akalain na ganon ang magiging reaksyon nito at nagawa pang ipag tanggol ako.

"Mga ungas nayun... subukan lang nilang gawin ulit yun at hindi ako mag dadalawang isip na basagin ang mga pagmumukha nila..."

Sabi nito at minuwestra pang pinakita ang tikom na kamao.

"Ikaw talaga napaka basagulero mo,. Don't you ever try to do that kung ayaw mong mawala ang scholarship mo.."

Pasaway na sabi ko dito kasunod ng pag bigay ng malakas na pagbatok.

"Aaaray... Ano kaba tingnan mo nga tong ginagawa mo sakin kung maka saway ka eh mas war freak kapa nga sakin lalo na sa mga pananakit mo hindi mo ba alam na nilalabag mo na ang human rights ko.

Pangangatwiran nito na sinundan ng pag haplos sa batok na nasaktan na nagdulot naman sakin ng pagka konsensya dahil sa ginawang pananakit dito.

"Aba may pahuman rights-human rights kapang nalalaman ngayon eh kung batukan kaya kita ulit gamit naman ang sapatos ko..."

Balik ko na umaamba ng pagkuha ng sapatos at pananakot na ipapandagok ko dito.

"Oh tingnan mo masyado kang sadista... Kulang nalang sayo maging kamukha mo yung bestfriend mong diablo para masabi kong nasa impyerno na talaga ako..."

Pangaasar na nito na sinasabayan pa ng paghalakhak na tila nawala na ang galit na nararamdaman kanikanina lang at dahil sa pamamaraan ng pangaasar nito hindi ko naman naiwasan na makaramdam ng pagka pikon dahil sa totoo lang napaka galing talaga nito mangasar kaya naman nagiging problema ko ang ugali nyang yun dahil masyado naman akong pikunin na labis nya namang kinatutuwa.

"So you mean feeling mo nasa impyerno ka sa twing kasama mo ako!!! hmpt..."

Patampo ko na balik at pagpapahiwatig na napipikon na ako na sinundan pa ng pagtaas ng kilay at pag ismid.

"Ano kaba di ka naman mabiro oh... Kaw talaga napaka pikon mo kaya ang sarap-sarap mong asarin eh..."

Pangaalo nito na bahagya pang pinipisil ang magkabilan kong pisngi na parang pinanggigigilang bata na agad ko namang kinangingiti sa twing gagawin nya yun.

"I'm not scared to do anything just to protect you and I'm not a scholar of this academy Nathan..."

Ang biglaang sambit at pagsiryoso ng tono at mood nito.

"What do you mean?..."

Ang bigla kong tanong dala ng pagkalito sa mga salitang binitiwan nito na hindi na nya nagawang sagutin dahil sa pag nguso nito na tila may tinuturo sa likod ko at agad ko namang nilingon, tsaka nakita ang papalapit nasi Earnest dala ang tray na pinaglalagyan ng pagkain nito.

"I hate to interrupt you guys but do you mind if I join to your table?..."

Tanong ni Earnest pagkalapit sa lamesa namin na sinundan naman ng pagsimangot ng isa na tila hindi pagsangaayon. Kung si Mico ang labis kong kinaaasaran na tao sa class room namin etong si Aaron naman ay kumukulo ang dugo kay Earnest, hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit dahil napaka bait naman ni Earnest sa amin hindi lang saamin kundi sa buong klase kaya hindi ko masise ito kung kagiliwan man siya ng mga professor at mga kaklase ko lalong lalo na ng mga bading.

"No it's OK... Dito ka nalang sa tabi ko..."

Tugon ko kay Earnest na abot tenga ang ngiti at agad na inilapag sa table ang dalang tray at umupo sa tabi ko at nagdulot naman kay Aaron upang malukot ng husto ang itsura ng mukha nito at nag focus nalang sa pag subo ng pagkaing dinala ko para sa kanya.

"Wow mukhang masarap yang ulam mo Nathan ah... Mukhang ganado kasi kumain si Aaron eh"

Pag tukoy nito sa chicken adobo na naka lagay sa lunch box ko.

"Yan ba yung lutong tinuro ko sayo?..."

"Oo madali lang kasi lutuin eh and magaling kadin kasi mag turo kaya master ko na kung pano gawin..."

Sagot ko dito sa himig ng pagmamalaki na sinundan pa ng pacute na ngiti na bigla namang kinatigil ni Aaron sa pagsubo at sukat na mailuwa ang pagkain na kakasubo lang sa bibig pagkarinig ng mga sinabe ko dala ng nabulunan na kinagulat naman naming dalawa ni Earnest.

"Ohh... Ok ka lang ba Aaron ?... oh eto tubig..."

Ang maagap kong naisambit dala ng pagaalala at kasunod ng pag abot ng baso ng tubig, haplos-haplos ang likod ni Aaron habang nakatayo na sa kanyang likuran, wala namang nagawa si Earnest kundi pagmasdan lang kami dala narin siguro ng pagkagulat sa nangyare.

"Do you think I'm fine?... Eh halos malason ako sa sama ng lasa ng ulam na niluto mo..."

Pagalit na balik nito na halos bulyawan ako na nag dulot sakin upang lalong mas mabigla dahil kani-kanina lang naman maayos nitong kinakain ang pagkaing dinala ko para sa kanya bago paman dumating si Earnest. Hindi ko narin nagawang magsalita pa upang mag tanong binanatan na ako ng pagtalikod nito upang umalis pagkatapos maka inom ng tubig.

"Ano nanaman bang problema ng taong yun!!!... Kahit kelan talaga panira ka ng moment Aaron!!!..."

Halos pagalit kong sambit sa isipan pagkatapos akong layasan ni Aaron at agad kong tinikman ang pagkaing iniwan nito upang malaman kung ano ang naging problema nito sa pagkain na inihanda ko para sa kanya, after tasting it I found out that there is nothing wrong, actually the taste is great pa nga kaya inisip ko nalang na baka sinumpong nanaman sya nang pagkakaruon nya ng saltik sa ulo kaya sya umarte ng ganon, umarte nalang din ako ng kaswal sa harapan ni Earnest para hindi narin mag taka ito ayoko naman din kasing masira ng tuluyan ang moment ko habang kasama ang Mr.Popular and Nice Guy ng Academy.

“So what’s wrong with the food?...”

Ang naitanong nalang ni Earnest na may halong pagtataka pagkatapos kong tikman ang pagkain, pambasag narin sa katahimikang nagsisimulang mabuo.

“Napadame ata yung soy sauce na nailagay ko…”

Pag dadahilan ko nalang upang hindi na humaba ang usapan.

“So that mean hindi mo na pwedeng kainin yan, OK wait me here I’ll buy you another food..”

Ang biglang sabi nito na sinundan ng pag alis upang maka bili ng pagkain. Hindi ko nadin naman naawat dahil bigla na siyang tumayo upang tunguhin ang food counter na nasa 1st floor para bumili.

Mga ilang saglit pa at nakabalik na ito dala ang isang tray kung saan nakalagay ang pagkaing binili at inihain sa harapan ko.

Culatello para sa Antipasti, Minestrone para sa appetizer sinamahan pa nang Columba Pasquale, Agnolotti, Cannelloni at bigla kong naalala ang aking ina pagka kita ng Arancini dahil ito ang madalas na pinang-aalo sakin ni mama pag alam nya na depress ako. Halos Italian cuisine na masasarap ang lahat na pagkain ang binili nito.

“Bakit napakadami naman nito Earnest at Italian cuisine pa?...”

Ang naitanong ko nalang sa kanya pagkatapos ihain sa aking harapan ang mga pagkaing binili nito at bumalik sa pagupo na naka pwesto na ngayon sa katapat kong silya.

“Para naman mabusog ka,. Alam mo namang ayokong nalilipasan ka ng gutom at mukhang nangangayayat ka din kasi…”

Sagot nito na nasa himig nang pagiging sweet na may halong pagaalala na nag dulot naman saakin upang makaramdam ng self-conscious at nag pamula ng aking pisngi.





“Ano nagustuhan mo ba yung Arancini?...”

Tanong nito pagkatapos naming kumain habang tinutumbok ang Merced building para sa susunod na subject.

“Oo naman… ang sarap nga eh kasi lasang-lasa yung mozzarella at breadcrumbs na ginamit…”

Walang alinlangan kong sagot habang patuloy sa paglalakad.

Hindi ko na napansin na huminto pala ang isa habang patuloy ako sa paglalakad.

“Sino kaba talaga?...”

Ang narinig kong tanong mula kay Earnest na nagawa sakin upang lingunin siya at nag pahinto sakin sa paglalakad.

“What do you mean?...”

Balik na tanong ko sa kanya na may halong pagtataka habang nakatitig kay Earnest, bakas sa mukha nito ang pagnanais na mabigyang kasagutan ang mga katanungang namumuo sa kanyang isipan.

“You’re not just an ordinary person…”

Kasabay ng paghagod ng paningin nito sakin mula ulo hanggang paa na tila ba kinikilatis ako ng husto.

“Cos it feels like you’re from a rich family, you know lots of things na hindi alam ng pangkaraniwan…”

Patuloy na pagsasalita nito na unti-unti namang nagdudulot sakin ng kaba na gumagapang sa aking isipan.

“Like nalang sa champagne and the food we ate awhile ago.. You know those things na hindi alam ng pangkaraniwan…”

Patuloy pa nito.





Itutuloy…